My Romantic Destroyer 12

1.6K 20 2
                                        


TRISHA's POV


Paggising ko kinabukasan, nagmamadali akong bumaba sa kusina. Hindi nga panaginip ang lahat ng nangyari kagabi. Umuwi na si Papa. Kasama na namin siya ulit.


Kumakain na si Papa ng breakfast, si Mama naman may inaayos pa sa kusina.


"Good morning, Pa." Sabay halik ko sa pisngi niya. Umupo ako sa katapat na upuan para makakain na rin ako.


"Kamusta ang tulog ng prinsesa namin?" Tanong ni Papa.


Kumuha muna ko ng tinapay tsaka hotdog, "Maayos naman po lalo na't now I know you're safe."


"Susunduin ka ba ng boyfriend mo?" Si Papa habang nagbabasa ng dyaryo.


"Nako, Papa. Laging may sundo 'yang anak mo." Si Mama sabay lagay ng dala niyang isang tasang kape sa table. Namiss din siguro niyang ipagtimpla si Papa ng coffee.


"Mabuti naman kung ganoon. Responsibilidad niyang sunduin ka."


"Pa, buti naman po at pinayagan kayo ni Lola na umuwi ng Pilipinas?" Tanong ko.


Gusto ko nang maiba ang topic. Ayoko munang pag usapan yung tungkol sa fake relationship namin ng makulit na lalaking 'yon.


"Hinayaan niya kong umuwi dito dahil wala na siyang maipipintas sa'kin. Tinapos ko kaagad ang lahat ng trabaho ko kaya humingi ako ng 1 week leave."


1 week lang? Sandali lang pala namin makakasama si Papa. Hindi ko rin siya makakabonding ng sobra dahil may pasok ako. Pero ayos na rin 'yon. At least, nakasama na namin siya kahit panandalian lang. Masaya na ko sa ganito. Na buo kami. 


Pagkatapos kong kumain, naligo na ko at nagbihis. Bago ako umalis, niyakap ko muna sila Papa at Mama. Ang sweet ko sa kanila no? Hehehe. Ngayon lang ulit nila masosolo ang isa't isa kaya masaya ko para sa kanila. Lalo na kay Mama.


As usual, sinundo ako ni Francis. Pero kanina, umaasa ako na susunduin din ako nila Wendy pero mag isa lang 'tong lalaking 'to na dumating.


Siguro, narealize nila na kailangan na nila kong layuan o kaya naman sumuko na sila sa pag amo sa'kin.


Naalala ko lahat ng sinabi sa'kin ni Papa kagabi pati na rin ang mga sinabi ni Wendy last week. At ngayon naman, sa tuwing mapapatingin ako sa mukha ng kasabay kong 'to, naaalala ko rin ang mga nangyari kagabi. Yung... yung kiss.


"Papa's girl ka pala no."


"So?"


"Ang sungit mo talaga. Araw araw ka bang meroon?" Aba? Walang preno bibig nito a. Hinampas ko nga ng bag ko.



*bugsh


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon