A/N: Stephen Rocky at the multimedia.
FRANCIS' POV
Wednesday, 5:30pm. Akala ko hindi na kami matatapos sa pag eentertain. Ang kukulit at ang lilikot ng mga babaeng customers namin. Naiirita na ko. Aba, kung si Shael lang ang lumalandi sa'kin e handa akong ibigay ang lahat sa kanya. YIIIIEEEEE. HAHAHA. Joke lang syempre. Kasal muna bago yun, diba?
Napakarami pa ang nakapila sa may corridor pero kailangan na naming i-cut off. Kasama ang isang Student Council officer, tinally na nila ni Wendy ang mga naging customers namin tsaka sila nagpunta sa SCO. Ilang minuto na lang malalaman na namin kung sino ang mananalo sa pagkakataong 'to.
Pagkatapos ng matagal na panahon, ngayon lang ulit namin naranasan na makaabot hanggang sa huling araw ng school festival. Yung mga nakaraang taon kasi lagi na lang kaming napagdidiskitahan. At kahit anong paliwanag namin sa mga may posisyon, hindi naman sila naniniwala dahil nga kami ang last section. Kilala bilang mga estudyanteng hindi matitino. Mga estudyanteng sanay na pahirapan, pag usapan at maliitin. At sa tuwing naiisip ko 'to, nasisira ang mood ko. Buti na lang talaga, pinapasaya ako ni Shael.
Nagbihis muna kaming lahat at yung iba nagsimula nang magligpit ng mga gamit. Bukas kasi bon fire ang event. Barbeque party daw. Kami namang tatlo nila Gab, syempre paupo upo lang dahil kasama yun sa kondisyon. Wala kaming ibang gagawin kundi ang mag entertain and our job is already done! BUWAHAHAHA.
Pero nang makita ko si Shael na nagbubuhat ng isang medyo malaki at mabigat na kahon, nakalimutan ko ang kondisyon na yon. Pag ibig nga naman.
Kaagad ko siyang nilapitan at kinuha ang dala dala niyang kahon. "Akin na, Be. Tulungan na kita." tsaka ko siya binigyan ng isang matinding killer smile.
Nakita kong medyo namula yung pisngi niya. Ang cute talaga ng nililigawan ko.
"Ibaba mo na lang do'n sa may corridor kasama ng mga iba pang kahon." sabi pa niya tsaka pinagpatuloy ang pagliligpit. Kagaya ng sinabi niya, ibinaba ko ang kahon kasama ng iba pang mga gamit sa may corridor.
Iba talaga yung saya ko ngayon. Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik sa dibdib ngayong alam na ni Shael ang nararamdaman ko. Wala na kong pakialam kung gaano katagal ko pa siyang liligawan. Gagawin ko ang lahat mahalin niya lang din ako.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal. Siguro nga, minahal ko rin ng sobra si Bea pero iba pala talaga kapag nagmahal ka ulit tapos naramdaman mong siya na talaga. Nakakabakla man sabihin pero may spark akong naramdaman na hindi ko naramdaman kay Bea. Mabuti na lang talaga nakilala ko si Shael.
Dahil sa pagmamahal na 'to, natuto akong magdesisyon para sa sarili ko. Natuto akong itapon sa Pacific ocean ang lahat ng kaduwagan ko. Matapang kong haharapin si Brent at gagawin ko ang lahat para magkaroon lang kami ng happy ending ni Shael.
Bumalik na ang pinsan ko. Isa pa siya sa gusto kong protektahan.
Noong isang gabi, late na ko umuwi dahil may dinaanan pa ko sa headquarters. Akala ko tulog na ang lahat kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko nang may natanaw pa kong ilaw sa may guest room.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
JugendliteraturI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
