A/N: Beatriz at the multimedia.
SHAEL's POV
Saturday. 2 days bago mag umpisa ang school festival. Pinapunta ni Light ang buong tropa sa headquarters. Hindi ko alam kung bakit pero simula nang mabasa ko ang text sa'kin ni Light kagabi, hindi na nawala 'tong nararamdamn kong kaba.
'Shael, magkita kita tayo bukas sa headquarters. Hindi na kita masusundo sa inyo so please, make sure you'll be safe.'
Akala ba niya, ikamamatay kong hindi niya ko masundo? Feeler lang? Pero, aaminin ko, nadisappoint ako. Letsugas naman kasi e. Sinanay niya kong laging sinusundo kaya kasalanan niya 'to!
Anyway, wala naman siyang sinabing oras kaya 1PM na ko gumayak. Naglalakad na ko papunta sa headquarters nang may nakasalubong ako. Isang hindi inaasahang tao.
"Joey."
"Oh, Trisha. Saan ang lakad mo?" Sabi naman niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Creeeeepyyy.
"None of your business."
"You never change."
"And so do you." Lalakad na sana ako palayo sa kanya nang bigla na naman niya kong tinawag.
"Trisha." tawag niya so I faced him again. "Kamusta na ang pag iimbestiga mo? Nalaman mo na ba kung sino ang traydor?"
"Malapit ko nang malaman kaya ihanda mo na ang isasagot mo sa'kin. Sisiguraduhin kong malalaman ko na ang lahat bago matapos ang taong 'to."
"Then, good luck." Kinindatan niya lang ako tsaka siya umalis.
Kapag nalaman ko na lahat, matatapos na 'to. Teka, matatapos na nga ba? Siguro? Sana? Pero hindi lang naman kasi si Bea ang kinakatakutan ko. Kung siya lang naman e yakang yaka ko yan. Pero hindi e.
May gangster pa siyang Kuya. Hindi ko kilala si Brent at lalong hindi ko alam kung paano siya magalit. Based sa mga nakalap kong impormasyon, sobrang mahal ni Brent ang bruhilda niyang kapatid. Nagkamali nga ba ako ng kinalaban?
Pagdating ko sa headquarters, naabutan ko lang si Noel na kumakain ng cereals sa may counter ng kusina.
"Hello, Shael. Gusto mo?" Alok niya pa sa'kin. Umupo ako sa katabi niyang upuan.
Umiling ako. "Bakit ngayon ka lang nag aalmusal? Magmemeryenda na a."
Natawa siya. May itsura din naman si Noel. Hindi ko lang alam ang tungkol sa buhay niya. Hindi rin kasi kami gaanong nakakapag usap hindi katulad nila Gab at Lucas.
"Meryenda ko na 'to. Hinawaan na ata ako ni Lucas nang pagiging PG niya e."

BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...