TRISHA's POV
"So, Kuya. Hindi mo talaga siya girlfriend?" Tanong ulit ng isang batang babae. Jane ata ang pangalan niya.
Hindi sumasagot si Francis. Nagtaka ako kaya tinignan ko siya.
N-nakatitig siya sa'kin.
Tae. Pinagtitripan na naman ako nito. Ako na lang ang sasagot.
"Hindi niya ko girlfriend."
"Mabuti naman kung ganoon. Hindi kasi ikaw ang tipo ni Kuya. Mahilig siya sa seksi at maganda," sabi naman noong Joshua.
Ang talas talaga ng dila ng batang 'to.
Pake ko naman kung ganoon ang tipo ng Kuya nila?
"Oy. Joshua. Ang sama talaga ng ugali mo no? Malay mo, kapag naayusan si Ate maganda na siya," sabi naman noong Julia.
"Hindi rin. Ang pangit ay pangit," sagot naman ni Joshua.
"Jane oh. Si Joshua nanlalait na naman," sumbong pa ni Julia.
Nag-aaway na sila. Ayoko ng ganito. Ang iingay nila!
"Oy. Francis Light Rivero, wala ka bang balak na awatin sila?" Tanong ko sa lalaking katabi ko.
"Ha?" Lutang ba 'to? Parang nagulat pa ata.
"Sabi ko, nag-aaway na sila. Hindi mo ba aawatin?"
Tinignan niya ang mga bata. "Oy oy. Diba, sabi ko masamang nag-aaway?"
"Sorry, Kuya. Si Joshua kasi e." – Julia
"Kuya, I wanna play." – Jane
Makipaglaro kaya 'tong lalaking 'to sa kanila? Sabagay, siya na mismo ang nagsabi na nakikipaglaro siya.
"Anong gusto mong laruin?" Pagtatanong ni Francis.
"A long term game." Nakangiting tugon ni Jane.
Long term game? Parang ngayon ko lang narinig ang ganoong klase ng laro.
"Anong long term game, Jane?" Usisa ni Julia.
"A dare game."
"Sino naman ang player ha?" Tanong ni Joshua.
"Uy uy, Sali kami dyan!" sigaw ng dalawang bata na tumakbo palapit sa amin. Isang babae at isang lalake.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Roman pour AdolescentsI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
