GAB'S POV
"Bakit niyo ko pinigilan?" Iritable kong tanong nang makalabas na kami sa lugar na 'yon. "Sinong nagsumbong sa inyo?" Sabi ko naman sa mga tauhan ko.
"Ako ang nagsabi kay pinuno na sundan ka," sagot naman ni Lucas na ikinatigil ko.
"Pakialamero ka pala e!" Susugurin ko na sana siya pero kaagad akong pinigilan ng mga tauhan ko. "What? Pati kayo tumatalikod na sa'kin?"
Peste!! Makakapaghiganti na sana ako! Matatapos na sana ang problema namin kung hindi nila ako pinigilan!
"Huminahon ka nga, Gabriel," isa pa 'tong si Noel.
"Nakakagago pala kayo e! Hindi niyo ba naiintindihan kung anong ginawa niyo? Matatapos na sana ang problema natin pero pinigilan niyo pa ko!"
Nagulat na lang ako nang bigla akong napabagsak sa semento dahil sa isang malakas na sapak galing kay Francis.
"You're being immatured, Gabriel. Sa tingin mo ba kapag napatay mo si Brent magiging maayos na talaga ang lahat? Mahahanap mo na ba yung revenge na sinasabi mo? Siguro nga, makakapaghiganti ka pero yang konsensya mo, sa tingin mo mananahimik lang yan kapag nagawa mo 'yon?"
Parang umurong ang dila ko dahil sa mga sinabi niya. Doon ko lang napagtanto na masyado akong nagpadala sa galit ko.
"At ang isa pang dahilan kaya pinigilan kitang patayin siya ay dahil hindi siya lumalaban." Dagdag pa niya na siya ring ikinagulat ko.
"Oo nga. Napansin ko rin 'yun kanina bago namin kayo awatin. Hinahayaan ka lang niya sa ginagawa mo," sabi naman ni Sam.
"He's into something. Alam niyang hindi mo siya magagawang patayin at sigurado din kami doon kahit hindi ka namin pigilan, Gabriel. At hindi mo ba napansin na habang ginugulpi mo siya ay hindi ka sinusugod ng mga tauhan niya?" Si Francis na sumakay na sa motor niyang dala.
Bakit hindi ko napansin 'yon? Dahil ba sa nagdilim na totally ang paningin ko kaya hindi na ko nakapag isip pa?
Tinulungan akong tumayo ni Noel.
"Umalis na tayo dito. Everybody's watching us." Kaagad ini-start ni Francis ang motor niya at umangkas sa likod niya si Sam.
Napatingin naman kami sa loob ng bar. Tama si Francis. Lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa amin kasama na si Brent na inaalalayan ng isang malaking lalaki. Nakuha pa niya kong ngitian ng nakakaloko pagkatapos ng ginawa ko sa kanya.
"It's a trick, Gabriel," halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko 'to mula kay Francis na kaagad pinaharurot ang motor niya.
Mabilis kaming nakabalik sa headquarters nang hindi ko namamalayan. Si Noel na ang nag insist na magdrive ng motor ko dahil baka raw hindi pa ko nakakalayo ay nabangga na ko sa kung saan. Pumayag na rin ako dahil hindi rin naman matahimik ang utak ko sa kakaisip ng kung ano ano.
"He's testing every little piece of you. Nang dahil sa ginawa mo, alam niya na ngayon ang kahinaan mo," sabi ni Francis habang nag iinuman kami sa rooftop.
Isa pang nakakatuwa sa aming mga gangster, we could get drunk hangga't gusto namin kahit na minor pa lang kami.
Natigilan ako sa pag inom. "Bakit hindi mo ko pinigilan?"
"Dahil ngayon ko lang din narealize ang lahat. Kaya kami sumunod ay dahil inaasahan ko na pagtutulungan ka nilang lahat pero hindi yun ang naabutan namin. Lahat sila nakatingin lang sa'yo habang ginugulpi ang pinuno nila." Paliwanag pa niya.
"Siguro hindi mo napansin pero nakangiti siya habang sinusuntok mo siya," dagdag pa ni Noel na nakaupo sa tabi ko.
"He's insane," sabay inom ni Lucas.
![](https://img.wattpad.com/cover/5355344-288-k210806.jpg)
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...