Dedication:
I dedicate this chapter to my sister, Ate Mitzi ( @saiainostar ) Simula pa lang sa first story ko, sinuportahan niya na ko up until now. SALAMAT, ATE. Salamat sa lahat ng comments and votes mo. HAHAHA. Sana hindi ka magsawang suportahan ako. God speed.SHAEL's POV
Hindi ko mapigilan ang umiyak habang pinapanood namin si Gab na hinaharana ang kaibigan namin. Ramdam na ramdam namin ang pangungulila niya. Halos isang buwan niya na ring pinapanood matulog ang babaeng mahal niya.
Alam ko at alam naming lahat na pilit nagpapakatatag si Gab para kay Wendy. Ramdam din namin na halos araw araw niyang pinipigilan na hindi umiyak huwag lang kaming mag alala.
Sa lahat ng taong nagmamahal kay Wendy, siya ang pinakanahihirapan.
Napansin siguro ni Light na naiiyak na rin ako kaya hinawakan niya na ang kamay ko. Sila Sophie umiiyak na rin.
"Ano ba 'yan? Diba, dapat masaya tayo? Paano magiging masaya ang girlfriend ko niyan?" Pagbibiro pa ni Gab nang ibaba niya na ang gitara niya. Kahit nakangiti siya, kitang kita pa rin namin yung mga luhang tumulo sa mata niya.
Tumayo si Gab at kaagad naman siyang inakbayan ni Lucas.
"Oks lang 'yan, pre. Tignan mo, mamaya gigising na si Wendy. May magpapakilig na rin sa'yo." Sabi pa ni Lucas.
"Tong mga babaeng 'to, ang iiyakin." Sabi naman ni Light pero hawak hawak pa rin niya ang kamay ko.
Kinurut ko nga siya pisngi dahilan para maging masaya ang atmosphere ng lahat.
Wendy? Hindi mo ba kami nararamdaman? Ang dami naming naghihintay sa'yo oh.
Niyaya na kami ni Gab na kumain ng mga inihanda niya. Nalaman namin na siya mismo ang nagluto nito. At lahat 'to paborito ng prinsesa niya. Kakaiba talaga ang pagmamahal niya para kay Wendy.
Before 11PM, nagpaalam na rin kami kay Gab. Hindi pa rin pala siya uuwi. Sasalubungin niya ang pasko kasama ang babaeng mahal niya.
"Light, mahal na mahal ni Gab si Wendy no?" Sabi ko habang naglalakad kami ni Light papunta sa parking lot. Nauna na kasing umuwi sila Sophie at ang iba pa. Kami namin ni Light, nagstay muna ng sandali.
Hawak hawak pa rin niya yung kamay ko.
"Bakit? Mahal na mahal din naman kita a?" Sabi naman niya nang tignan ako. Tignan mo 'tong mokong na 'to. Nagawa pang magbiro.
"Seryoso ako a." Tinignan ko pa siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.
"Kaya nga pinaubaya ko na ang pinsan ko sa kanya kasi alam kong totoo yung pagmamahal niya para kay Wendy." Sabi naman niya.
Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Manong driver. Kaagad kaming sumakay ni Light para makauwi na.
"Nararamdaman kong magigising na si Wendy kaya huwag ka nang mag alala ha?" Sabay halik niya sa noo ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat ni Light. Nagising na lang ako nang naramdaman kong huminto na ang sasakyan.
"Nandito na tayo, be." Sabi ni Light at inalalayan niya na kong bumaba.
Nakita namin mula sa bintana na umupo sa may sala si Mama. Tatawagin sana 'to ni Light pero kaagad kong tinakpan yung bibig niya.
"Bakit, be?" Sabi niya nang tanggalin niya yung kamay ko mula sa bibig niya.
Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. Ang alam ko lang, natatakot ako. Bilang na ang mga araw ko kasama sila. Kasama si Light. Natatakot akong mag isa.

BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Ficção AdolescenteI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...