My Romantic Destroyer 38

1.1K 18 2
                                    


SHAEL's POV


Bakit siya nandito? Paano siya nakapasok? Diba, may mga nakabantay na mga alagad sila Light sa labas?


Muling lumapit si Light sa amin.


"Ilayo niyo na sila Shael sa lugar na 'to! Ngayon na!" sigaw niya kila Sam.


"Masusunod, Pinuno!" Sagot naman ni Noel.


"Brent, ayaw namin ng gulo. Hayaan mo munang makauwi ang mga estudyante tsaka tayo mag usap," si Rupert ang nagsalita sa mikropono at pilit pinapakalma ang sitwasyon.


"Shut the fuck up, Mr. Student Council Officer. Hindi ikaw ang kailangan ko!" Muling nagpaputok si Brent at akala naming lahat ay tinamaan niya si Rupert pero hindi. Tumama ang bala sa may sofa na nasa stage.


"Rupert!" Malakas na sigaw ni Wendy. Sigurado akong siya 'yon dahil siya lang naman ang may kakayahang sumigaw nang ganoon. Nakita namin siyang tumakbo palapit sa SC Officer.


Ang iba namang officers ay halos manginig na rin sa takot. Ano ba talaga ang koneksyon ni Rupert kila Wendy? Pero hindi yun ang mahalaga ngayon.


Kung titignan mo si Brent, parang wala siyang kinakatakutan. Parang kahit makapatay siya ng mga inosente ay wala siyang pakialam. Hindi na ata tao ang nilalang na 'to.


"Shael, doon tayo kila Sophie." Sabi ni Noel at kaagad nila akong dinala doon.


"Sophie, huwag mong pababayaan si Shael. Aasikasuhin muna namin ang iba pa." sabi pa niya kay Sophie at kaagad rin nila kaming iniwan.


Nasa may sofa pa rin kami malapit sa may gilid ng stage. Kasama ko ngayon sila Sophie, ang Gossip sisters, si Max, Philip at ang suitor ni Sandy na si Ronald. Si Wendy naman ang kasama ni Rupert sa stage.


Mukhang nadaplisan ng bala si Rupert kaya hawak hawak niya ang kanang braso niya. Tinulungan siya ni Wendy na makababa ng stage para dalhin sa amin. Isa pang inaalala ko ay ang kalagayan ni Wendy. Inaatake na siya kanina at ngayon pilit pa rin siyang kumikilos.


"Mukhang masaya 'to a? Hindi lang ang Class 4F ang mapaglalaruan ko ngayon." Tatawa tawa pang sambit ni Brent. Mukhang balak niyang idamay ang lahat ng tao dito.


Muling nagpanic ang lahat at sabay sabay silang naghanap ng daan palabas ng pavilion pero huli na. Biglang nagsara ang mga pintuan. Imbis na masasayang tawanan at kwentuhan ang naririnig sa lugar na 'to, iyakan at takot ang makikita mo.


Bakit ngayon pa nangyari 'to? Nang dahil ba sa ipinilit namin ni Light ang relasyon namin kaya heto ang resulta? Kasalanan ko ba 'to? Mauulit na naman ba ang nangyari noon? O mas malala pa ang mangyayari ngayon?


"At saan kayo pupunta ha? Akala niyo matatakasan niyo kami?" Nang muli kaming tumingin kay Brent, isa isa nang nagsipasukan ang mga kasamahan niya.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon