A/N: Francis Light at the multimedia.
WENDY's POV
It's been three days since naging kami ni Gab. Oo. Sinagot ko siya. Sino ba namang babae ang hindi mapapasagot dahil sa mga sinabi niya, diba? HAHAHA. Pero hindi lang dahil doon kaya ko siya sinagot, kundi dahil mahal ko talaga siya.
"Let's go?" Tanong ni Gab habang nakasakay siya sa motor niya at ako naman kakalabas lang ng pintuan namin. Sinundo niya ko dahil gusto niya na sabay kami laging papasok sa school.
Tumango ako at saka umangkas sa motor niya. "Huwag masyadong mabilis a?" Paalala ko pa dahil alam naman niya na ayokong ayokong sumasakay sa motor. May pagkaracer pa naman 'tong boyfriend ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naiisip kong boyfriend ko na si Gab. Landi lang. HAHAHA.
"As you wish, princess."
Laging princess ang tawag niya sa'kin. Tinotoo niya nga ang sinabi niyang papatunayan niya sa'kin na totoo ang fairy tales. Napakaswerte ko sa taong 'to.
Yumakap na ko sa kanya at sinimulan niya nang patakbuhin ang motor niya.
"Si pinuno pumasok na ba?" Tanong niya habang nasa daan kami.
"Hindi na naman siya umuwi kagabi e. Naawa na nga ako kay Tita kasi imbis na natutulog na siya at nagpapahinga, hinihintay pa niya si Francis na makauwi."
Hindi ko ba maintindihan sa pinsan kong 'yon. Ilang araw na siyang hindi umuuwi tapos sabi pa ni Tita hindi rin daw siya kinakausap nito. Alam kong may alitan silang dalawa pero bakit kaya niyang tiisin si Tita? Ano bang nagawa nito sa kanya?
"What the— Gab naman!" Sabi ko na lang kasi bigla siyang prumeno e.
Pero hindi siya nagsasalita. Anong nangyari dito? Napansin ko na lang na may tinitignan siya. Malapit na kami sa gate ng school at nanlaki na lang ang mga mata ko nang may nakilala akong grupo ng mga lalake na nasa tapat ng eskwelahan namin.
"A-anong ginagawa nila rito?" Nauutal kong sabi. Napababa ako sa motor.
Bigla akong nakaramdam ng takot. Bakit sila nandito? Balak ba nilang manggulo? Malapit na ang school festival. Hindi naman nila sisirain ang araw na 'yon, diba? Huwag naman sana.
"Wendy, sumakay ka na. Sa gate 2 tayo dadaan." Sabi ni Gab na kaagad ko namang sinunod dahil seryoso siya this time.
Sa Gate 2 kami dumaan na nasa likod ng eskwelahan. Ngayon lang ulit 'to binuksan dahil nga malapit na ang school festival. Buti na lang talaga binuksan kaagad 'to kung hindi baka makita pa kami ng grupo nila Brent.
"Wendy, huwag mo munang sasabihin kila Shael at Sophie ang tungkol sa nakita mo. Siguradong matatakot sila." Sabi ni Gab nang makababa ako sa motor niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/5355344-288-k210806.jpg)
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...