My Romantic Destroyer 64

1K 21 2
                                    

FRANCIS' POV

Parang bigla akong nabingi nang makarinig ako ng putok ng baril. Isang babae lang ang kaagad na hinagilap ko, si Shael.

At nang makita ko kung paano siya dahan dahang bumagsak sa sahig ay parang tumigil ang lahat at siya lang ang nakikita ko.

"I love you, My Romantic Destroyer."

"M-mahal na mahal din kita, Shael. Please, huwag ka munang pipikit ha?" Sagot ko sa kanya.

Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit at sobrang galit na nararamdaman ko.

Dapat hindi ko siya hinayaang malayo sa tabi ko. Dapat hindi ko siya hinayaan kay Rupert. Masyado akong naging kampante na hindi bala ang laman ng baril.

Muli niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"L-light, n-napatunayan ko ba sa'yo n-na karapat dapat akong m-maging  reyna mo?" Pilit pa rin siyang ngumingiti kahit alam kong nahihirapan na siya.

"Buksan ang mga pinto! Tawagin niyo ang mga paramedic na nasa labas!" Narinig kong utos ni Noel.

"S-sobra sobra pa, Shael. Kaya huwag ka munang pipikit ha? Kokoronahan pa kita bilang Reyna ko." Pinilit ko ring ngumiti para hindi siya panghinaan ng loob kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kakaiyak.

"D-don't kill anyone, Light. P-please?" Nakita kong may tumutulo na ring luha mula sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayokong mangako dahil isa lang ang gustong gawin ng mga kamay ko, ang patayin ang hayop na lalaking nakabaril sa prinsesa ko.

"P-please, Light?" Pag uulit niya.

"Francis! Nandito na ang mga paramedics para dalhin si Shael sa ospital," sabi ni Gab nang lapitan niya kami.

"I love you, Shael. Pero ako pa rin ang King dito. Gusto ko pagsunod ko sa ospital, malakas ka na ha?" Sabi ko sa kanya at saka ko siya hinalikan sa noo.

Pinaubaya ko na siya sa mga dumating na paramedics at nang makita ko na siyang nailabas ng pabrika ay muli kong itinuon ang atensyon ko sa lalaking 'yon.

"Sam! Ilabas mo na sila Mama dito kasama ang ina ng hayop na lalaking 'to," utos ko habang nakatitig ako kay Rupert na nanginginig habang nakatitig sa hawak hawak niyang baril.

"Francis! Please, nangako ka sa'kin na hindi na mauulit ang dati, diba?" Narinig kong sabi ng Mama ko pero hindi ko siya pinansin.

"Please, anak, tara na. Hayaan mo na sila sa mga pulis." Dagdag pa niya.

"F-francis, huwag mong sasaktan ang anak ko. H-hindi niya sinasadya," sabi naman ng Mama  ni Rupert.

"I said leave!" Sigaw ko at saka ko sila tinignan. "Clark Samuel, ano bang iniutos ko sa'yo?"

"P-pasensya na, Francis. Pero siya ang dating Reyna kaya—" pagsagot ni Sam.

"Nakakalimutan mo atang ako na ang King? Kapag sinabi kong ilabas mo na sila, ilalabas mo na sila!"

"M-masusunod," at pinilit niyang isinama palabas ang Mama ko kasama ang ina ni Rupert kahit na nagpupumiglas pa 'to.

"Francis, a-alam kong nasaktan ni Rupert si Shael pero—" Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Gabriel.

Nang marinig ko na sinaktan ni Rupert si Shael ay lalong nagdilim ang paningin ko. Mabilis kong sinugod si Rupert dahilan para mapahiga siya. Mabilis ko siyang pinatungan at hinawakan ang kwelyo niya.

"Alam mo bang kamatayan ang katumbas ng ginawa mo? Ay, hinde. Hindi lang pala basta kamatayan. Hanggang impyerno, susundan kita!"

Pinagsusuntok ko ang pagmumukha niya. Kaliwa't kanan. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila Lucas. Gusto kong maramdaman ng lalaking 'to ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon