Dedication: I dedicated this chapter to @ThisIsMySong . Naalala niya kong i-greet ng Merry Christmas sa message board ko. :") Thank you ulit bunso.
SHAEL's POV
Nasilaw ako sa liwanag na bumungad sa'kin pagmulat ng mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko at napakabigat ng pakiramdam ko. Dinaig ko pa ang uminom ng napakaraming alak. Ang hapdi rin ng mata ko at iba na rin ang suot kong damit.
Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa. Naubusan na ko ng lakas. Nilibot ko ang paningin ko sa silid at sigurado akong wala ako sa kwarto ko.
Isang malaking kwarto ang bumungad sa'kin. May malaking chandelier sa gitna ng kisame at may malaki at magarang aparador sa may gilid ng kwarto. May malalaking bintana at isang glass door na mukhang papunta sa veranda ang naging daan para pumasok ang sinag ng araw.
Na kaninong kwarto nga ba ako?
Napahawak ako sa noo ko habang pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Oo nga pala. Sinaktan ko si Light at sinaktan ko rin ang sarili ko.
Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa nangyari. Ano ba 'to? Kailan ba ko mauubusan ng luha? Wala na kong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Ano pa nga bang choice ko kung hindi ang iiyak na lang ang lahat.
Narinig kong bumukas ang pinto ng silid na 'yon kaya kaagad akong tumalikod sa direksyon ng pintuan. Kung sino man ang pumasok na 'yan ay ayokong makita niya na nanghihina ako.
"Gising ka na ba?" Ang boses na 'yon. So, nandito pala ako sa bahay niya.
Nakakatawa lang. Dapat wala ako dito. Dapat galit na galit ako sa kanya dahil tinraydor niya kami pero heto ako. Mukhang siya pa ata ang huli kong makakapitan. Kung sino pa ang traydor, siya pa ang naging katuwang ko.
"Huwag mong sabihing umiiyak ka na naman?" Pagtatanong pa niya.
Obvious ba? Sino ba ang hindi maiiyak sa mga nangyari kagabi? Ayokong saktan si Light. Ayoko siyang layuan pero kailangan. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya ngayon. Okay lang kaya siya? Bwisit. Nagiging tanga na rin ako. Paano siya magiging okay dahil sa ginawa ko?
"Alam kong masakit para sa'yo at lalo na kay Francis pero wala na tayong magagawa. Maraming buhay ang nakasugal kapag hindi tayo sumunod sa kanila."
Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama at hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas na maupo at sumandal sa header ng kama. Sobrang sakit pa rin ng ulo ko na parang mabibiyak na.
Pinunasan ko gamit ang mga palad ko ang magkabila kong pisngi at tinignan ko ng diretso si Rocky. Namumutla siya at mukhang wala pa siyang tulog. Binantayan ba niya ko magdamag? Imposible.
"Wala na ba talaga tayong magagawa, Ro—I mean, Stephen? Ganito na lang ba tayo hanggang dulo? Ang maging puppet nila? P-paano naman ang kaligayahan natin?"
Tinitigan lang ako ni Rocky. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Bakit ba hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya? Naghihintay ako ng sasabihin niya pero imbis na magsalita siya ay kaagad niya kong niyakap.
"Gagawa ako ng paraan. Kahit na ikapahamak ko pa, makabawi lang ako sa'yo. Basta, sa ngayon, sundin na lang natin ang gusto nila. Mag iisip ako ng isang matinong plano. Pangako 'yan."
Dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan matapos niya kaming traydurin? Pero humingi na rin siya sa'kin ng tawad. Sinabi na rin niya sa'kin na nagsisisi na siya pero paano kung umaarte lang pala siya?
Natatakot man ako, kusang gumalaw ang kamay ko para yakapin din siya. Aaminin ko na parang gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko noong niyakap niya ko. May pakinabang naman pala kahit papaano ang traydor na 'to.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Fiksi RemajaI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...