ASHLEY's POV
"ROCKY!!" Sigaw ni Olivia.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang luha.
"FUCK!!" Sigaw naman ni Rocky. Kitang kita ko rin ang dugo na tumutulo sa katawan niya.
"Son of a bitch!!" Sigaw ni Lucas. Mukhang gustong gusto na niyang sugurin si Rupert pero hindi niya magawa dahil nanghihina pa siya. "Bakit mo siya nilatigo?! Tama naman ang isinagot ko!"
"Lucas, kontrolin mo ang sarili mo!" Awat sa kanya ni Sam.
"Hayop ka talaga, Rupert," inis na sabi naman ni Francis. Masama 'to. Baka maulit na naman ang nangyari.
Tumawa ng malakas si Rupert. "Hindi ako tanga, Lucas. Sigurado akong hindi si Brent ang pinaka kinamumuhian mong tao ngayon. Dahil ang tamang sagot ay ang mismong sarili mo!"
Natigilan si Lucas.
"Tama ako, diba? Nagagalit ka sa sarili mo ngayon dahil hindi mo nagawang protektahan ang pinakamamahal mong babae." Dagdag pa ni Rupert.
Doon na bumigay si Lucas. Nag iiyak na siya kaya pinilit kong makalapit sa kanya.
"Lucas, huwag kang makinig sa kanya. Maayos na si Sophie, diba? Hindi mo kasalanan kung bakit nasaktan siya. Kung hindi siya binaril ni Brent, hindi siya masusugatan." Pagpapakalma ko sa kanya.
"P-pero kung dumating lang ako kaagad, hindi mangyayari ang ganoong bagay sa kanya." Sagot niya.
"Sa tingin mo ba, magiging masaya si Sophie kapag nakita ka niyang nagkakaganyan?"
Muli ko na namang narinig ang tawa ni Rupert.
"Ibang saya ang nararamdaman ko pag nakikita ko kayong nagkakaganyan."
"Ibang saya naman ang mararamdaman ko kapag nakita kitang nagmamakaawa para sa buhay mo," seryosong sabi naman ni Gab.
"Hinding hindi 'yun mangyayari, Gabriel. Next question is for Ashley." Sabi ni Rupert dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.
"K-kuya!" Napatingin kaming lahat sa dumating. Paano siya nakapunta dito at saan siya galing?
"Ow. Good timing, Beatriz. Makinig kang mabuti ha?" Pang aasar pa ni Rupert.
Matapang na lumapit sa Kuya niya si Bea.
"Kuya, umuwi na tayo. Itigil mo na 'to. P-pauwi na sila Mommy at Daddy at sigurado akong matutuwa sila kapag nakita niya tayo sa bahay. Kaya umuwi na tayo, okay?" Hahawakan na sana ni Bea ang kamay ng Kuya niya pero itinulak lamang siya nito.
Mukhang unti unti nang nagbabalik ang lakas namin kaya nagawa nang lapitan ni Noel si Bea. "Pati ba naman babae pinapatulan mo. At kapatid mo pa ha?"
"Hindi ako uto uto, Beatriz. Hinding hindi mo ko mapipigilan. Tsaka yung mga tinatawag mong Mommy at Daddy? Huwag ka nang umasang uuwi pa sila. May sarili na silang buhay sa ibang bansa! Naiintindihan mo ba 'yon?!" Sigaw naman ni Brent.
Lalapitan na sana niya si Bea para saktan pero pinigilan siya ni Rupert.
"Relax lang, Brent. Hindi pa tapos ang laro. May oras pa para dyan." Muling tumingin sa'kin si Rupert.
"Ikaw ang dating Queen Bee sa school natin, diba? Kaya lang inagaw sa'yo ni Beatriz ang korona mo. At oo nga pala, siya rin ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Joey, diba? Wala ka bang balak na gantihan siya?"
Tumingin ako kay Bea na kasalukuyang inaalalayan ni Noel. Nakatingin din siya sa'kin. Pinilit kong tumayo ng maayos.
"Wala na kong balak gumanti sa kanya. Kasi ngayon pa lang, alam kong gusto niyang gawin ang lahat para matulungan kami. Hindi kagaya mo na makasarili," pagdidiin ko pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
