SHAEL's POV
*kriiiing
Pinatay ko yung alarm clock ko. Bumangon kaagad ako dahil ayokong malate sa klase. Nagsuklay muna ko tsaka ko dumiretso sa baba.
Napahinto ako nang makita ko si Light na natutulog pa rin sa sofa. Nilapitan ko siya at mahimbing pa rin ang tulog niya. Ang amo talaga ng mukha niya.
Kagabi kasi, umuwi muna siya para kumuha ng gamit niya tapos bumalik siya kaagad. Ganoon siya nag aalala sa'kin after niyang malaman na may gustong kumidnap sa katulad ko.
Si Mama naman, 4AM pa lang ng umaga, aalis na siya. 5AM na kaya siguradong nakaalis na siya. Kaming dalawa na lang ni Light ang naiwan dito sa bahay.
Dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ref para malaman ko kung anong pwede kong iluto para sa agahan. Kumuha ako ng itlog at ham at yun ang niluto ko. Nag init naman ako ng tinapay sa bread toaster.
Gusto kaya ng kape ni Light? O baka naman mas gusto niya ang hot chocolate?
Binalikan ko si Light dahil luto na naman ang agahan namin. Inumin na lang ang kulang.
"Light." Tawag ko sa kanya pero hindi siya nagigising.
"Uy, Light. Gising na. Baka malate tayo." Wala pa rin.
Yuyugyugin ko sana siya pero bigla niya kong hinila dahilan para mapaupo ako sa tabi niya. Niyakap niya ko kaya di na ko makatayo.
"Ano ba, Light? Malelate tayo sa ginagawa mo e."
"Give me 5 more minutes." Bulong niya. Mukhang antok na antok pa nga siya.
"Anong gusto mong inumin? Coffee or hot chocolate?"
"Hmmm. Kahit ano. Kagaya na lang ng sa'yo. Wala naman akong alam dyan e. Hindi ako nagbebreakfast. Pero dahil ikaw ang nagluto, kakain ako." Sagot niya pero nakapikit pa rin siya.
Hindi siya nagbebreakfast? Buti nakakatagal siya.
"Osige. Bitiwan mo na ko para makapagtimpla na ko. Tapos bumangon ka na rin diyan."
"Yes po." Kainis. Ang cute niya.
Paano ko siya malalayuan kung ganyan siya? Sabihin niyo nga.
Binitiwan niya na ko kaya nakatayo na ko. Pagbalik ko sa kusina, nagtimpla kaagad ako ng hot chocolate. Nakita ko rin naman na tumayo na siya at dumiretso sa may kitchen sink para magmumog at maghilamos tsaka siya umupo na sa tapat ng lamesa.
Dinala ko kaagad ang dalawang tasang chocolate sa lamesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/5355344-288-k210806.jpg)
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...