Chapter 80

563 16 1
                                    

Kasalakuyang nasa kwarto ni Jessey sa hospital ang Tigresses pati na rin ang parents ni Jessey at si Coach O.

Mahimbing pang natutulog si Jessey. Binigyan siya ng pampatulog kaya mahirap talagang magising siya agad. Nagkwekwentuhan sila ngayon. Actually, more like Q&A kay Coach Odjie. Andami kasing katanungan ng mga Tigresses tungkol sa muling paglalaro ni Jessey.

PAM: Ibig sabihin pala Coach, nung mga panahon na wala kayo nung 1st round at akala namin ah nagrerecruit kayo eh nasa US kayo?

COACH O: Ganun na nga. Actually last week pa ako nakabalik kasabay nila Jessey pero di lang ako bumalik sa pag-coach sa inyo kasi nagpatuloy kami sa pag-train. Para makabalik na nga ulit agad si Jessey sa paglaro. Gusto kasi talaga namin na makalaro na siya kapag kinalaban niyo ang DLSU. Titignan namin kung may effect ba kapag nagkita sila agad ni Mika.

RIA: Ahhhhh... Eh coach, paano po napapayag na paglaruin si Ate Jessey? Kasi diba prior mag-start eh nagpapasa na ng line-up.

DANS: Sakarequirement din po ang grades sa first sem para ma-qualify maglaro diba?

COACH O: Regarding naman dun eh. Well, kinausap ko sila Father kung pwedeng thru online ang mga klase ni Jessey. Kasi yung mga plates niya pwede namang i-send via e-mail o kaya video. Eh pumayag naman din kasi yung Dean ng Arki. Kasi alam naman nilang masipag at matalino yung bata. So hindi na rin kami nahirapan na papayagin sila Father. Mas humanga pa nga sila eh kasi nakita nila yung determinasyon niya at yung willingness niya na ipagpatuloy ang pag-aaral niya para din nga makalaro siya for the school. So ayun naka-enroll naman siya nung 1st sem at pasado sa lahat ng subjects niya, actually DL pa nga eh. So hindi na yun problema sa UAAP Board, yung line-up na pinasa ko, si Jessey na talaga yung nakalagay dun. Actually, risk nga yun eh kasi di pa naman kami nun 100% sure kung makakalaro si Jessey. Pero pinakita naman niya na determinado siya talaga kasi gusto rin niyang maalala kung paanong player ba siya, kung gaano siya kagaling at isa pa gusto niya talaga din makatulong sa inyo.

MELA: Eh bakit niya kami kilala eh sabi po ni Tita Ye eh hindi niya kami naaalala.

COACH O: Ah yun ba... Nung tinrain ko siya gusto niyang kilalanin kayo. So minemorize niya yung mga names niyo pati na rin nga kung ano yung mga positions niyo para kapag naglaro na siya eh hindi na siya mahirapan pa. Saka pinapanood ko sa kanya yung mga dati niyong games. Sobrang nagugulat din siya eh kasi siyempre di niya maalala yung mga yun tapos nakikita niya yung sarili niya na ganun maglaro. So dahil din dun eh alam na niya ang galaw ng team kaya hindi na rin siya nahirapan nung pumasok siya sa game.

DANS: Parang ngang gumaling pa siya lalo eh.

EJ: Oo nga po... Mas lalong gumaling talaga...

COACH O: Well, sobrang determinado si Stick eh. *tingin sa parents ni Jessey*

JESSEY’S MOM: Hay, sinabi mo pa Coach. Grabe yang si Jessey nung nasa US pa kami. Hindi pa 100% yung go signal ng doctor niya para sa training aba eh tumatakas yang batang yan.

JESSEY’S DAD: Hay ka kulit na bata niyan talaga. Meron nun isang beses. Tapos na yung training nila nun ni Coach O.

COACH O: Parang alam ko na ‘to.

JESSEY’S DAD: Hahaha! Alam na alam.

MELA: Ano pong nangyari?

JESSEY’S DAD: Well, first time nila nun mag-aquatraining. Sosyal kasi yung hospital nila may pool. Well, ginagamit din kasi yun for therapy and research ng mga doctor. Eh since hindi pa 100% si Jessey at under observation pa rin kaya dun sila nag-aaqua training. I think nasa conditioning stage pa lang din naman sila nun. Para unti-unting masanay muli yung katawan niya. At para wala din naman silang maabala eh sa gabi sila nagttraining. So tapos na yung training nila inaantay na lang ni Coach O si Jessey nun para na rin maihatid na niya si Jessey sa room niya. Eh biglang tumatawag na kay Coach O yung ka-meet niya nung gabing yun. Eh di si Jessey naman sinabi niya kay Coach O na mauna na lang siya tutal matatagalan pa si Jess kasi mag-shoshower pa siya. So pumayag naman na si Coach O.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon