Sa UST Quadricentennial Pav
Nag-aantay na ang Golden Tigresses sa pag-sisimula ng kanilang training. Nagsimula na rin kasi ang UAAP Volleyball games kaya talagang matindi na ang pag-eensayo nila at bukas ang first game nila against UP. Habang wala pa si Coach Odjie ay busy naman ang girls sa pagkwekwentuhan.
MELA: Hay, simula nanaman ng giyera. Naninibago pa rin ako na wala na sila Ate Maiks, Ate Judy at Ate Maru... haiiiiy. *sabay buntong hininga*
PAM: Oo nga eh. Kahit na ilang beses na rin tayong nag-prapractice at lumalaban na di sila kasama. Iba pa rin.
Sabay siglang nagsalita naman si Jessey upang baguhin ang mood ng mga teammates niya.
JESSEY: Ano ba kayo, smile naman diyan! Huwag na kayong ma-sad. Kahit wala sila dito lagi pa rin naman silang naka-support sa atin at saka tignan niyo oh, andito naman si Baby Riri. *sabay kurot sa pisngi ni ria*
RIA:*habang hinihimas ang pisngi niya* Aray ko naman Ate Jessey.
DANCEL: Sus, gustung-gusto mo naman yan eh, kapag pinanggigigilan ka ni Jessey.
JESSEY: Hay, ang Baby Riri ko talaga. *Muling kinurot ang cheeks ni Ria*
LOREN: Oh, tama na yan, magwarm-up na muna tayo at malapit na rin daw dumating si coach.
MIA: Tara na, nagsalita na si Captain, baka mamaya bigla tayong gawing cadaver niyan.
LOREN: Loko ka talaga! Let’s start na.
Nagsimula na ngang magwarm-up ang Tigresses at hindi nagtagal ay dumating na rin si Coach Odjie. Nagsimula na silang mag-training.
At ng matapos na nga ang kanilang practice.
COACH ODJIE: O girls, bukas na ang first game natin. Alam niyo naman ang goal natin ngayon diba, ang makapasok sa Final Four. Alam ko matindi ang pressure na nararamdaman niyo, lalo na kayong first six basta magtiwala lang kayo sa mga kakayahan niyo at diyan sa mga kasama niyo. Tandaan niyo, you need to work as a team, sa jersey niyo pare-pareho yung pangalan sa harap kasi yun ang mas mahalaga. Kasi paghumarap kayo sa tao lalo na sa kalaban niyo yun kayo, iisa lang kayo. Okay?
TIGRESSES: Yes coach!
COACH ODJIE: Oh sige na umuwi na kayo at nang makapagpahinga na kayo. Walang malalate bukas ah. Ang ma-late, patatakbuhin ko ng 10 rounds sa buong UST, narinig mo ba ako Jessey? *pabirong dagdag ni coach*
Nagtawanan tuloy ang mga Tigresses maliban kay Jessey at Ria.
JESSEY: Hay, ako nanaman ang napagtripan mo coach. *sabay yuko*
RIA: *Inakbayan si Jessey* Uyyyy, wag niyo ng tawanan si Ate Jess alam niyo namang madaming plates din siyang ginagawa eh kaya kulang sa tulog kaya nalalate.
MELA: Yan tayo eh! Sige push mo yan Ria.
COACH ODJIE: Sige na umuwi na kayo. Matulog na agad ah. Tama na muna ang pag-twitter-twitter.
JESSEY: *bigla siyang tumingin kay Ria at ngumiti ng kaunti* Thanks Baby Riri, buti ka pa love mo ako at naiintindihan.
RIA: *Ngumiti naman siya ng todo-todo*Wala yun Ate Jessey, ikaw pa eh ma----LAKAS ka sa akin eh.
JEM: Naku, malakas lang ba talaga eh parang hindi naman yun talaga ang sasabihin mo eh.
CHLOE: Jessey, huwag mong pinapaasa yang si Ria ah.

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...