Chapter 79

612 19 11
                                    

Sa dorm ng Tigresses...

Kumakain na ng dinner ang ibang Tigresses ng dumating sila Mela at Chloe.

CHLOE: Ay andaya nila babe oh... Hindi tayo inantay.

MELA: Oo nga eh... *nagtampu-tampuhan*

PAM: Uy, sorry naman... Di kasi namin alam what time kayo babalik eh.

DANS: Oo nga. Tapos nagugutom na kami.

MELA: Hay Butod... ikaw pa ba... Hahaha!

CHLOE: Joke lang naman yun! Ok lang. Lahat naman tayo napagod sa game kanina at nakaka-drain talaga ang mga kaganapan.

MELA: True! Pero may food ba kami diyan?

RIA: Syempre naman po! Kayo pa ba...

CHLOE: Yun naman! Tara na Babe, let’s eat!

Naupo na rin sila Mela at Chloe para kumain kasabay ang iba pa nilang teammates.

PAM: Oo nga pala tumawag si Ate Loren kanina kasi nabalitaan niya yung kay Jessey. Sama daw siya bukas pagbisita natin.

MELA: Owwww.. *biglang nagkatinginan si Mela at Chloe*

RIA: May problema po ba?

DANS: Onga pala, bakit ba kayo pinag-stay ni Tita Ye.

CHLOE: Ah yung tungkol dun... Mela ikaw na kaya magkwento...

MELA: *napabuntong hininga* Ganito kasi yun...

FLASHBACK...

CHLOE: Tita Ye, bakit niyo po kami pinaiwan...

TITA YE: Ganito kasi yun... Ummm... Siguro may kakaiba kayong napapansin kay Jessey...

MELA: Opo...

CHLOE: Yan pong si Mela tita... Kanina pa kung anu-anong napupuna kay Jessey...

MELA: May problema po ba? Kasi parang hindi po siya ganun kasaya na nakabalik na siya eh, hindi Jessey levels yung saya niya. Knowing Jessey for sure kasi matutuwa siya eh.

CHLOE: Eh baka nga kasi dahil kay Mika... Hello, first time niyang makikita ulit si Mika nun tapos sa game pa. Hirap kaya yun.

TITA YE: Actually tama si Mela eh...

CHLOE: Hindi po siya masaya na makasama kami? *nalungkot*

TITA YE: No! No! No! Hindi yun... What I mean, tama si Mela na yung talagang Jessey na kilala natin for sure matutuwa talaga.

CHLOE: What do you mean Tita? Fake Jessey yung andito???

MELA: Ang baliw mo Chloe... patapusin na nga lang natin si Tita. So, ano pong ibig niyong sabihin Tita Ye?

TITA YE: Well, nung pumunta kami sa States. According dun sa mga tests eh maganda ang brain activity ni Jessey. Mataas ang chance na makaka-recover siya sa Comatose state niya. Sadyang bumabawi lang daw ang katawan niya, kumbaga hindi pa sapat yung charge niya kaya di pa siya nagigising. Tapos may mga test pa silang ginawa para malaman if may naapektuhan pa sa brain niya. And they assured us na yung motor skills niya eh maayos kaya for sure eh makakalaro pa rin siya. Saka may iba pa eh. Kaso hindi nila natapos na lahat nung tests kasi after almost three weeks eh nagising na rin siya agad. Siyempre natuwa naman kami. Ambilis eh. Pero hindi pa siya nun totally okay, nakadilat palang siya nun. Sabi ng doctor ok lang daw na hindi agad pa makasalita si Jessey kasi in-shock pa rin. Pero sabi ng mga doctor mas madali na daw gawin yung ibang tests at i-verify din yung mga nauna nilang tests kasi gising na siya. Then one time nagising siya from her sleep. Tapos bigla niya akong tinawag... Sobrang naiyak ako nung moment na yun, kasi for the first time after her accident narinig ko na ulit yung boses niya. Tapos ngumiti pa siya ulit kaya mas lalo akong naluha. Sabi pa niya sa akin nun, wag na daw akong umiyak. Kaso nagulat ako dun sa naging sunod na line niya eh.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon