FLASHBACK...
Sa UST Hospital...
Nagising na si Jessey, tinignan niya ang kanyang paligid at napansin niya na wala si Mika.
JESSEY: Nasan si BF? *tanong nito*
MELA: Gising ka na pala Jess.
JESSEY: Ay hindi kaya, tulog pa ako. Panaginip lang ang lahat ng ito. *pagbibiro nito*
MELA: Magaling ka na nga. Nangaasar ka na eh. Yung BF mo lumabas, bibili ng breakfast, nag-iwan ng note kanina. Paggising ko din kasi wala na siya.
JESSEY: Ah ganun ba? Ano pwede na daw ba akong lumabas?
MELA: Oo sabi ng doctor pero after na lang natin kumain.
JESSEY: Okay. Ui, Baby Riri, ang tahimik mo ah. Pagod ka na ba?
RIA: Hindi naman po. *sabay tumingin siya kay Mela* Ate Mela, pwede labas ka muna, kausapin ko lang si Ate Jessey.
Bakas sa mukha ni Jessey ang pagtataka pero si Mela medyo may idea kung ano ang maaaring sabihin ni Ria kay Jessey.
MELA: Okay sige. Tawagin niyo na lang ako if tapos na kayong mag-usap.
At lumabas na nga si Mela. Habang si Jessey ay nagtataka pa rin.
JESSEY’s POV:
Ano kaya yung gustong sabihin ni Baby Riri, mukhang seryoso siya ah. Parang ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Masyadong malalim ang iniisip niya, ano kaya ang kanyang problema? Pero bakit kailangan pang lumabas ni Mela at ito namang si Mela lumabas lang din agad eh knowing her magpupumilit yun na mag-stay para malaman kung anu man yung sasabihin ni Ria. Yun pa eh mahilig yun sa mga chika. Hay... sana wala namang matinding problema ang Baby Riri ko.
Umupo si Ria sa tabi ni Jessey habang si Jessey naman ay umupo sa kanyang kama. Tahimik pa rin si Ria at nakayuko. Nag-aalala na si Jessey dahil sa inaasal ni Ria.
JESSEY: Ria, okay ka lang ba? *sabay hawak sa braso*
RIA: *napabuntong hininga* Ate Jess, I love you. *sabay tingin sa mga mata ni Jessey*
JESSEY: *medyo nagulat siya* I love you too Baby Riri. *sabay ngiti* Yun lang ba yung sasabihin mo? Pinakaba mo ako ah. *medyo natatawa pa siya*
RIA: No Ate Jess... I love you as in love na love kita!
JESSEY: *hinawahan niya ang mga kamay nito* At love na love din naman kita eh. You’re my little sister, remember kaya nga Baby Riri eh.
RIA: Pero hindi kita love as a sister! *medyo napataas ang boses*
JESSEY: *nagulat siya sa naging reaction ni Ria at medyo nalungkot* Huh?
RIA: Love kita Ate Jessey, pero hindi bilang kapatid. Siguro noon oo, nakikita kita as my older sister pero habang tumatagal alam kong iba na itong nararamdaman ko for you. I love you Ate Jessey, yung tipong hawak ko yung kamay mo habang naglalakad tayo, habang ikaw naman eh hawak ang puso ko. *naiiyak na si Ria* Hindi ko naman ginusto toh eh, bigla na lang akong tinamaan sa’yo, ayaw ko sanang sabihin sa’yo, at pilit ko rin pinipigilan ang sarili ko kasi natatakot ako na baka kapag nagtapat ako eh layuan mo na ako pero hindi ko na kaya eh, hindi ko kayang dumating sa point na magsisisi ako kasi wala akong ginawa. This is a big risk for me, pero i do believe that you’re worth the risk. *napayuko na lang siya at umiiyak*
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...