Huling araw na ng taon. Nasa Bulacan ngayon si Mika para doon i-celebrate ang kanyang New Year. Huling nagkita sila ni Jessey eh nung binisita niya ito sa UST at nag-lunch sila, pagkatapos nun ay thru phone and texts na lang sila nakakapag-usap. At huli niyang beses na nakausap si Jessey ay kanina pang umaga at simula nun ay wala na kahit sa text dahil nga daw busy sila sa pag-prepare para sa pagsalubong sa bagong taon. Kaya medyo moody siya ngayong gabi.
MIKA: *naiirita* Hay, nakakatamad naman! Grrrrrrrrrrrrr...
KUYA PERRY: Hay nako Miks! Ang sabihin mo namimiss mo lang si Jessey eh. Tulungan mo na nga lang kami.
MIKA: Ayaw ko nga! Bahala ka diyan. Hmp!
MIKA’s MOM: Mika! Bakit ka ganyan sa kuya mo ah. Umakyat ka na nga lang dun sa kwarto mo.
MIKA: Ehhhhhhhh! Ayaw!
MIKA’s MOM: *medyo galit na* Mika! Hindi ka na batang maliit ah. Kung magiging moody ka lang at magsusungit dito dun ka na lang sa kwarto mo.
MIKA: *nainis* HMP! Fine!!! *at umakyat na siya sa kwarto*
Humiga lang si Mika sa kanyang kama at tinignan ang kanyang phone kung nag-text na si Jessey sa kanya pero wala pa rin. Kaya mas lalo lang nainis si Mika.
MIKA’s POV:
Nakakainis naman oh. Mag-new year badtrip ako. Ito namang si BF di pa rin nag-tetext tapos tumatawag ako hindi rin ako sinasagot. Argh! Tapos si mama ang labo, nagalit agad. Eh sa nakakatamad tumulong eh. Alam naman niyang di ako magaling sa mga ganun-ganun eh. Hmp! Bahala sila. Dito na lang ako hanggang mag-new year.
Lumipas ang ilang minuto at biglang may kumatok sa kwarto ni Mika.
MIKA: *naiirita* Natutulog ako! *sabay tumalikod sa pintuan*
Biglang bumukas ang pinto.
MIKA: *naiinis* Pwede bang iwan mo na ako! *bilang humarapa at nagulat siya sa kanyang nakita*
.
.
.
.
.
.
.
.
MIKA: Sorry dad... ikaw pala yan.
MIKA’s DAD: *seryoso* Nako Mika. Tama pala ang mama mo na mainit ang ulo mo at dinadamay mo ang lahat. Ayan pinaakyat ka tuloy. Onga pala hihiram lang ako ng charger. *kinuha ang charger* Pwede ba medyo kalma ka lang, mag-newyear tapos bad mood ka, di maganda yan.
MIKA: Opo...
Lumabas na ang dad ni Mika pero hindi nito sinara ang pinto. Bumalik naman si Mika sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.
MIKA: Argh!!! Ano ba yan... bad vibes iwan mo ako...
Biglang may nag-back hug kay Mika pero hindi niya alam kung sino dahil nakatago siya sa kumot.
???: Oh siguro naman mawawala na ang bad vibes mo dahil sa yakap ko.
MIKA: *inalis niya ang kanyang kumot at humarap sa taong yumakap sa kanya* BF?!?!?!
JESSEY: Hi BF! Surprise!!!! :)
MIKA: *niyakap niya ng mahigpit si Jessey* BF!!!! Sobrang na-miss kita!!!!

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...