Chapter 62

492 19 14
                                    

Nang mag-crash ang puso ni Jessey nung dumating sila sa USTH ay agad din naman siyang inasikaso ng mga doctor. Mabuti na lamang at na-revive siyang muli ngunit dahil pangalawang beses na itong  nangyari, ang sabi ng mga doctor ay mahihirapan na ang katawan ni Jessey kung mangyari itong muli. Kaya naman mas lalong tinutukan ang kanyang lagay.

Dumating na rin naman ang kanyang mga magulang mula sa ibang bansa at kitang-kita ang lungkot at sakit ng makita nilang comatose si Jessey. Ngunit mas nasaktan sila ng mabalitaan nila ang tungkol kay Mika at Aly na naging dahilan ng pagpunta ni Jessey sa Bataan na nag-resulta sa aksidente. At kagaya rin ng naging desisyon ng mga kapatid ni Jessey ay pinagbawalan din ng kanilang mga magulang na bumisita si Mika kay Jessey. Mas lalo namang nanlumo si Mika ng malaman niya ito. Halos araw-araw siyang pumupuntang USTH ngunit hanggang sa may waiting area lang siya dahil hindi siya pinapayagan umakyat ng mga guards. Kahit si Kim ay walang magawa dahil alam niyang magkakaaway naman sila ni Mela at magagalit din sa kanya ang pamilya ni Jessey.

Ngayon ay nasa dorm lang sila Mika at Kim...

KIM: Ye, sorry talaga at wala akong magawa ah... Hindi kita matulungan.

MIKA: Okay lang Ate, naiintindihan ko naman eh. Alam ko namang gumagawa ka ng paraan pero ayaw mo lang din naman na magalit sayo si Mela at ang parents din ni Jess kaya I understand. Salamat din at ina-update mo ako ah.

ARA: Ano na nga palang balita kay Jessey, Ate Kimmy?

KIM: Well, sabi ni Mela eh wala pa rin daw improvements eh. May brain activity which is good ang kinakatakot lang ng mga doctor eh baka daw naapektuhan yung motor skills ni Jessey eh tapos kailangan pa rin niya nga daw ng surgery ulit dahil dun sa balikat niya. At hindi rin nila sure if motor skills lang ba ang naapektuhan.

ARA: Wala bang sure na balita diyan?

KIM: Well, mahirap i-assure hangga’t di pa nagigising si Jessey. At saka kasi kulang ng gamit sa Pilipinas eh. May mga equipments na sa ibang bansa lang meron kaya tuloy hirap na hirap din sila makapagbigay ng concrete na sagot.

MIKA: Ang mahalaga lang sa akin right now eh ang magising si Jessey. Ang maging okay siya... Hindi ko na kaya eh... hirap na hirap na ako...

KIM: Tiwala lang, Ye... Gagaling din si Jessey, basta magdasal lang tayo para sa kanyang kaligtasan.

MIKA: Hay... oh sige po, akyat na ko sa kwarto ah... Matulog na po ako.

KIM: Oh sige, sige alam kong kailangan mo yan...

ARA: Good night, Daks!

MIKA: Night!

Umakyat na nga si Mika at naiwan na lamang si Ara at Kim sa sala.

ARA: Naawa na ako kay Mika, Ate. Wala na yung dating sigla niya. Sobrang ibang Mika na yung kasama natin ngayon.

KIM: Hay... Oo nga eh. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang tulungan na kahit makita man lang niya si Jessey pero at the same time hindi ko rin naman masisi yung parents ni Jessey kung pagbawalan siya eh.

ARA: Sila Kuya Perry nga rin naawa na eh. Kahit si Tita Bhaby, kinausap niya rin yung parents nila Jessey for Mika kasi nga naawa na sila kay Mika pero wala pa rin eh. Wala silang magawa.

KIM: Ang kailangan eh malaman natin kung sino ba kasi itong nanggugulo sa kanila eh. Kapag nalaman natin kung sino yun at kung anong pakay kung bakit niya ito nagawa malamang mas maiintindihan na natin at baka mapatawad na rin nila Tita si Mika.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon