Chapter 17

3.4K 26 12
                                    

Balik trainging na ulit sila Mika at Jessey. Pagbalik nila sa kani-kanilang dorm ay agad silang pinagkaguluhan ng kani-kaniya nilang teammates. At ng sinabi na nila ang totoo na hindi pa naman sila talaga ay pinagpapalo silang dalawa. Asar na asar ang mga teammates nila habang silang dalawa naman ay tawa ng tawa.

Naging busy nanaman sila Mika at Jessey. Kahit ang bisitahin ang isa’t-isa ay hindi nila magawa mabuti na lang at ang unang game day sa 2014 eh bakasyon pa rin kung kaya’t makakanood si Mika ng game ni Jessey at ng Tigresses against NU.

Pinuntahan ni Mika si Jessey kung saan nag-aantay ang players bago pumasok sa couart dahil malapit na nga rin matapos ang game ng ADMU at UP.

MIKA: BF!!!!

JESSEY: *nagulat* Ui BF! Bakit pumunta ka pa dito? *sabay yakap*

MIKA: *niyakap din si Jessey* Syempre para bigyan ka ng swerte at galing ko. Anlalaki kaya ng kalaban niyo.

JESSEY: *umalis sa pagkakayakap at pinalo si Mika sa braso* Ang yabang mo! Saka kahit matangkad yung magkapatid andito naman si Baby Riri, diba Baby Riri? *sabay smile kay Ria*

RIA *ngumiti lang* Hehehe! Tignan natin Ate... andiyan ka din naman eh, kaya kaya natin toh!

MIKA: *medyo maiinis* Tsssss... magaling kaya yung si Dindin pero mas magaling ako.

JESSEY: *medyo natatawa* Ang yabang talaga ng BF ko! *biglang bumulong kay Mika* BF... naaamoy ko yung pagseselos mo. Diba sabi ko hindi na dapat.

MIKA: *nag-pout* Di naman kaya!

JESSEY: *Kiniss si Mika sa cheeks* oh ayan ah. No more selos ok?

MIKA: *smile ng todo* Ok Babe Forever!

MELA: Oi! Tama na yan... umalis ka na dito Mika Reyes, ayan na oh. Tapos na yung game balikan mo na sii Kimmy dun...

MIKA: Inggit ka lang di ka pinuntahan ni Kimmy dito eh... beh!

MELA: Sira! Di ko talaga siya pinapapunta dito kasi alam niyang tatamaan siya ng bola sa mukha. Alam niyang seryoso ako kapag laro namin. Kaya ikaw alis na. Papasok na dito yung mga tiga-Ateneo.

MIKA: Ok. Ok. Bye BF! Goodluck! *sabay kiss sa cheeks ni Jessey* Goodluck Tigresses!!!

TIGRESSES: Salamat ampon!

Lumakad na si Mika paalis pero bumalik ulit siya para muling mayakap si Jessey para lang din mang-asar pero pagbalik niya ay nakasalubong na niya ang ibang atenista at nagulat siya sa kanyang nakita.

MIKA’s POV:

WTH?!?! Bakit nakayakap si Marge Tejada kay BF. At may kiss pa sa magkabilang cheeks??? At ok lang kay BF!!!! Todo smile pa siya... Ano yun!!!!!! Grrrrrrrrr!!! Wala namang na-kwekwento itong si BF about Marge ah. Shit! Ansakit. *umalis na si Mika at lumakad papunta kay Kim* Bakit ganun? Yung tingin ni Marge kay Jessey sobrang sweet, tapos si BF ok lang naman. Pero bakit kapag sa akin masyado siyang nag-iingat. Hay...

Nakarating na si Mika sa pwesto nila ni Kim at napansin ni Kim na tahimik si Mika.

KIM: Oh Ye, bakit ang tahimik mo?

MIKA: Ha? Wala lang medyo di lang maganda yung pakiramdam ko.

KIM: *medyo nag-aalala* Gusto mo uwi na tayo? Para makapagpahinga ka, may game pa naman tayo bukas.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon