Sa kusina sa dorm ng Tigresses...
MELA: Ria, gisingin mo na nga si Sticky ng makakain na. May game pa tayo mamaya eh. Need pa natin mag warm-up bago umalis.
RIA: Okay po.
Pumunta na nga si Ria sa kwarto nila Jessey para gisingin ito. Nagulat siya dahil andun si Mika na nakaupo sa kama at nakatingin lang kay Jessey habang natutulog at nakangiti lang. Napalingon si Mika sa pagbukas ng pinto at napatiningin kay Ria. Bakas na bakas ang galit sa mukha ni Ria. Agad lumapit si Ria kay Mika at hinawakan ito sa magkabilang balikat at biglang tinayo.
RIA: Ang kapal naman ng mukha mo para pumunta pa rito pagkatapos ng ginawa mo kay Ate Jessey. *sabay tulak kay Mika na tumama sa pader*
MIKA: *nasaktan* Aray! Ano bang problema mo ha?
RIA: *nagagalit na* Ikaw! Diba usapan huwag mong sasaktan si Ate Jessey, anong nangyari ha??? Tapos andito ka magsisinungaling sa kanya para mabilog mo nanaman siya.
MIKA: *galit na* Wala kang alam kaya kung pwede lang huwag kang nagjujudge diyan. If I know, gustong-gusto mo naman yan para magkahiwalay kami ni Jess para maka-eksena ka at agawin siya sa akin.
RIA: Ayaw ko lang masaktan si Ate Jess noh.
MIKA: Ayaw masaktan o gusto mong masaktan para masulot mo sa akin...
RIA: Sumosobra ka na ah! *sinugod si Mika at muling tinulak ng malakas sa pader na naging dahilan upang magulantang ang mga Tigresses at tuluyang magising si Jessey*
MIKA: Aba! Loko ka... *biglang sinapak si Ria na naging dahilan ng pagbagsak ni Ria*
Nagulat si Jessey dahil nakita niyang sinapak ni Mika si Ria.
JESSEY: Mika!
Natahimik bigla sila Mika at Ria at napatingin kay Jessey. Bumangon naman si Jessey at nilapitan si Ria. Sakto rin ay nagdatingan na sa room ang mga Tigresses.
JESSEY: Okay ka lang Ria?
RIA: *hawak ang kanyang panga* Opo...
MELA: Anong nangyari?
JESSEY: Paggising ko nakita ko na lang sinapak ni Mika si Ria.
PAM: Huwaaaat?
MIKA: Eh kasalanan naman niya eh.
LOREN: *seryoso* I think dapat ka na munang umuwi Mika.
MIKA: Ate Loren, hindi naman ako ang nagsimula eh. Si Ria naman eh.
LOREN: I’m sorry Mika, pero we don’t condone violence here in our dorm. Lalo na sa non-Tigress pa manggagaling ang panggugulo. Kami rin ang pagagalitan ni coach. I think we need to talk muna as a team.
JESSEY: Pero Ate, hindi ba natin pakikinggan ang side ni Mika.
LOREN: Maybe next time. You have to understand, dorm ito ng Tigresses, ang masaktan ang isa sa atin caused by someone na outsider eh hindi katanggap-tanggap. Parang ganito lang yan eh. Sa bahay niyo, kapag nasaktan ka ng someone na hindi naman talaga nakatira sa inyo, sino bang aalis sa bahay na yun, ikaw o yung nanakit sa’yo? Ganun lang ka-simple. Hindi naman porket pinapaalis ko si Mika ngayon eh hindi na siya pwedeng bumalik siguro kapag napatunayan natin na hindi naman niya talaga ginusto ang nangyari eh papayagan ko pa rin siya/natin na bumalik dito and also hindi ibig sabihin din nun eh porket si Ria ang nasaktan eh wala na rin siyang kasalanan. May game pa tayo mamaya and i think we need to re-group bago lumaban. *tumingin kay Mika* I hope you understand Mika, im not doing this kasi kinakampihan ko si Ria. Im just doing this for the team. And as the leader of this group I need to do what is best for us. And don’t worry, ikaw pa rin ang ampon namin. *nag-smile*

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
ФанфикIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...