Laban ng DLSU ngayon against ADMU. Last week lang eh magkalaban sila at syempre excited na ulit si Mika na makalaban ang ADMU dahil gusto niyang kalaban si Marge Tejada. Pinipilit naman ni Mika na hindi mag-selos pero iba pa rin talaga kapag nakikita niyang close si Jessey sa ibang babae lalong lalo na kapag si Ria o si Marge.
Dahil maaga pa naman ay kasalukuyan pa ring nakahiga si Mika sa kanyang kama.
MIKA: *malalim ang iniisip at napa-buntong hininga* Hay...
???: Mukhang malalim yang iniisip mo ah.
MIKA: *napangiti* Hindi naman. *sabay yakap sa kanyang katabi* Good Morning my stick princess...
???: Tinawag mo nga akong princess pero inasar mo pa rin naman ako. Hmp! *sabay tumalikod kay Mika*
MIKA: Oh, wag ka na magtampo, Jessey. *humigpit ang back-hug kay Jessey* I’m just happy at kasama kita. Na sa pagmulat ng aking mga mata iyong kagandahan ang bubungad sa aking umaga.
JESSEY: *namumula* Huwow! At kailan ka pa naging makata... hehehe...
MIKA: Epekto lang siguro ng LIT... hehehe! Kinilig ka naman noh...
JESSEY: Hindi kaya! *humarap bigla kay Mika at sobrang magkalapit ang kanilang mukha*
MIKA: *nagulat at biglang napigil sa paghinga at namula* Ummmmm...
JESSEY: *sexy voice* Hi BF... ngayon sa tingin mo sino sa atin ang kinikilig...
MIKA: *natataranta* Ha???? Ummmmm...
JESSEY: Hahahahaha!! *sabay kiss sa nose ni Mika at nag-smile* Good Morning my lovely kapre!
MIKA: *Ngumiti lang* Morning! Love you...
JESSEY: *nag-smile* Love you too... *sabay yakap ng mahigpit*
Biglang bumukas ang pinto sa kwarto...
ARA: Oi! Tama na yan!!! Bangon-bangon na at tayo ng kakain. Diba sabi ni Mela pauwiin daw ng maaga si Jessey kasi sabay silang pupunta mamaya sa SJA. Buti nga at pinayagan pa niya na matulog dito si Jessey eh. Alam niyo naman hindi pwedeng galitin yun dahil kung hindi... lagot-lagot tayong lahat.
MIKA: *naiinis* Kahit kailan ka talaga Ara!!!!! Panira ka ng moment...
JESSEY: *natatawa* Oh cool lang my lovely kapre. Buti nga concern sa atin si Ara eh. Alam mo naman kapag si Mela ang nagalit, kahit yung Coach niyo panigurado matatakot.
ARA: Why, thank you Ms. Jessey de Leon for saving me. Kaya mahal na mahal kita eh!
MIKA: hoy!!! Anong mahal ka diyan. Ako lang pwede magmahal sa Stick princess ko ah!
JESSEY: Hahaha! Ikaw ayan ka nanaman.
ARA: Hahaha! Hala ka Daks, pag-nais yang si Jessey sa pagiging selosa mo baka iwan ka niyan. At kapag nangyari yun, ako liligaw diyan. Crush ko pa naman yang si Jessey. Labyu Jessey! Hahahah! *sabay takbo pababa*
MIKA: *Aaktong babangon pero napigilan ni Jessey* Aba loko ka Daks ah! Patay ka talaga sa akin.
JESSEY: *sobrang tumatawa* Hayaan mo na yun, ikaw naman inaasar ka lang nun eh. Alam mo naman diba na ikaw lang... ikaw lang talaga...
MIKA: *nawala ang galit* Sorry... di ko lang mapigilan talaga eh.
JESSEY: Ok lang naman pero sana kung maiiwasan mo, iwasan mo please... oh sige na tara na bangon na tayo at ng makakain na tayo at makauwi ako. Mag-prep pa din kayo sa game niyo mamaya eh. Baka maka-istorbo ako sa inyo, ilayo pa ako ni Coach Ramil sa’yo. Hehehe!

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...