Chapter 14

3.5K 23 7
                                    

Nagulat ang lahat sa sinabi ng Dad ni Jessey...

JESSEY: But dad... Kilala mo naman si Mika diba. Alam mong mabait siya, eversince naman inaalagaan niya ako kahit na magkaibigan pa lang kami. Tapos close na rin kayo sa parents niya, alam niyo na ang background niya. Alam niyo din na she always makes me safe. Bakit ayaw mo sa kaniya. *medyo naiiyak na* Daig pa nga niya yung ibang guys eh, siya mismo oh, pumunta dito para magpaalam kasi nirerespeto niya kung ano yung pananaw niyo, nirerespeto niya kayo. Hindi niyo ba na-aappreciate yun. *todo iyak na* Kapag kasama ko siya ang saya-saya ko. Kahit anong stress ng buhay ko, sa studies at sa paglalaro, nakakaya ko kasi lagi niyang pinaparamdam at pinapaalala sa akin na malakas ako at kaya ko. Ayaw mo ba akong maging masaya? *sabay naupo at umiiyak*

MIKA: *inaalalayan si Jessey* Jess, tahan na please... ayaw kitang nakikitang umiiyak. Alam mo naman na yan ang kahinaan ko eh. Ang makitang tumutulo ang iyong mga luha. Intindihin na lang natin sila tito at tita. *medyo naiiyak na*

JESSEY’s DAD: *seryoso* Ano tapos na kayo?

Tumingin lang sila Jessey at Mika sa Dad ni Jessey...

JESSEY’s DAD: Ang sabi ko NO... pero di pa ako tapos... ang sasabihin ko kasi eh No.. NO wonder kaya pala ganun tumingin si Mika sa’yo nung laban niyo.. *sabay nag-smile*

Biglang tumahimik at biglang tumawa ng pagka-lakas-lakas sila Jelo...

JELO: Hahahahahahahah!!!

DANS: Bwahahhahaha! Oh Stick, ang priceless ng monologue mo.... Hahahaha!!! *naiiyak na sa kakatawa* Buti na lang hindi ko na-video kung hindi na-send ko agad yun sa mga teammates natin... PRICELESS!!! Hahahahah! Pati ikaw Mika... hahahaha!!!

Namumula ng todo sila Jessey at Mika...

JESSEY: Dad naman kasi eh... bakit pabitin ka naman kasi... ayan tuloy... *nahihiya*

JESSEY’S DAD: *natatawa* Aba ikaw namn yung sumingit agad sa akin eh...

JESSEY’S MOM: Oo nga naman! *natatawa* Actually, medyo may hinala na kami ng papa mo. Kasi nung nanood kami ng game niyo nung magkalaban kayo, ibang-iba talaga yung tingin ni Mika sa’yo eh. Hahaha! Pero syempre ayaw naman namin mag-assume. But obviously, tama nga ang instict ko.

MIKA: *medyo nahihiya* Ummmmm... so ibig po bang sabihin eh pwede ko na siyang ligawan? *sabay hawak sa mga kamay ni Jessey*

JESSEY’S DAD: *nag-smile* Of course Mika! Ikaw pa. *seryosong tumingin kay Mika* Alam ko namang safe ang anak ko sa’yo. High school pa lang kayo inaalagaan mo na yan lalo na nga’t sobrang patpatin niyan. Kapag may mga nambubully sa kanya nung mga bata pa kayo, ikaw yung laging andiyan ready to protect her. At kahit ngayong kolehiyo na kayo, kahit magkahiwalay kayong school you always make sure na ok siya. And besides, you make our baby girl very happy, how could we say no to you? *sabay smile*

JESSEY’S MOM: Just make sure na hindi iiyak ang anak ko sa’yo ah...

MIKA: *sobrang naka-ngiti* Opo tita... Huwag po kayong mag-alala, ako pong bahala kay Jessey. Thank you po for giving me a chance...

JESSEY’S DAD: Oh, ipapaalala ko lang ha, ligaw lang muna ok?

MIKA: Hahaha! Opo naman... Promise po! :)

Sobrang masaya sila Mika at Jessey dahil kahit medyo nakakahiya ang pagmomoment nila at least pumayag na ang parents ni Jessey na ligawan siya.

Masaya nilang ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos mag-lunch ay nagkwentuhan muna sila Mika, Jessey, Dancel at Jelo. Pagkatapos nun ay lumipat naman sila Jessey at Mika sa may veranda para makapag-usap silang dalawa.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon