Chapter 78

501 15 4
                                    

Sa UST Hospital...

Dumating na rin ang Tigresses sa hospital.

 Kahit medyo nag-aalala ang mga Tigresses kitang-kita pa rin ang saya sa mga mukha nila dahil andito na si Jessey. Makakasama na nila siya. At kahit natalo sila sa game, ang makita si Jessey eh sapat na para maging sobrang saya nila na daig pa ang mag-champion sa UAAP.

Nakasalubong nila ang parents ni Jessey sa may tapat ng laboratory ng hospital at sinabi nila na may test lang na ginagawa kaya sinabihan na lang sila na mag-antay na lang muna sila sa magiging room ni Jessey.

Agad naman na silang sumunod at umakyat na sa magiging room ni Jessey.

CHLOE: Andito na talaga si Stick?!?!? Parang di pa rin ako makapaniwala...

RIA: Naku Ate, sino bang hindi nagulat sa mga nangyari kanina.

PAM: Parang panaginip pa rin... but definitely a good dream...

ALEX: And what’s better is that this ain’t a dream. It’s really happenning... Andito na si Stick...

YSA: Nakakatuwa nga po mga itsura niyo kanina eh. Nung pinasok na si Ate Jessey sa court. Hindi niyo man lang inapiran. Siya pa ang lumapit sa inyo para tapikin kayo.

DIMDIM: Hahaha! Oo nga po. Mga napako po kayo sa pwesto niyo kanina.

DANS: Can’t blame us though... After everything, tapos wala pa kaming balita about her. I mean halos suko na kami nung dinala siya sa States eh. Tapos wala pang isang taon, andito na ulit siya. Sino namang hindi magugulat diba.

CHERRY: Hahaha! Tama nga naman po kayo pero nakakatawa pa rin.

PAM: Aba... tinatawanan niyo pala kami ah...

DIMDIM: Hehehe... Di naman po sa ganun...

Hanggang sa napansin nila Chloe na hindi umiimik si Mela at tila malalim ang iniisip...

CHLOE: Uy Babe! Seryoso mo diyan...

MELA: *hindi pinansin si Chloe*

PAM: Mela!

MELA: Ay Mela! Ate Pam naman eh... nanggugulat!

DANS: Bakit ba tulala ka diyan. Ang saya-saya namin dito tapos ikaw napaka-seryoso mo diyan.

CHLOE: Oo nga babe... Dapat magsaya tayo diba. I mean nag-aalala kami kung may epekto ba yung pagkakatama kay Jessey nung bola kasi sumakit yung ulo niya pero yung fact na andito siya, diba ang saya nun!

MELA: Masaya naman ako eh...

EJ: Di naman halata, Ate eh...

MELA: Masaya ako talaga pero...

RIA: Pero ano, Ate?

MELA: Di ba kayo nagtataka?

CHLOE: San?

MELA: Kay Jessey.

PAM: Bakit?

MELA: Parang may iba eh.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon