Chapter 8

3.5K 21 2
                                    

Pumunta si Mela at Jessey sa room nila para makapag-usap.

JESSEY: Ano ba yung pag-uusapan natin? At talagang dito pa sa room natin.

MELA: Ayaw ko dun kasi baka mamaya may dumating eh di maiistorbo ang pag-uusap natin.

JESSEY: Eh ano ba kasi yun? *tanong nito*

MELA: Tungkol sa nakita ko kanina.

JESSEY: Eh wala namang nangyari eh.

MELA: Hay! Walang nangyari kasi dumating ako pero kung hindi sa tingin mo anong nangyari ha.

JESSEY: *natahimik*

MELA: See! And alam mo sa sarili mong hindi pa dapat yun mangyari.

JESSEY: *yumuko* Alam ko. Nadala lang ako...

MELA: Eh paano naman si Ria? Hindi ba parang ang unfair na nito sobra. Alam mo, kung may nararamdaman ka kay Mika sabihin mo na agad kay Ria kaysa yung paaasahin mo pa.

JESSEY: Hindi pa rin ako sure Mela. I mean sige, inaamin ko sobrang nadala ako kay Mika pero kapag kasama ko naman din kasi si Ria sobrang saya ko. Pareho akong masaya kapag nakakasama ko ang isa sa kanila.

MELA: Hay Jessey, alam ko namang hindi kita mapipilit agad-agad eh, kasi ang pagmamahal hindi yan minamadali, hindi bigla-bigla. Pero just make sure, kapag maliwanag na talaga kung sinong sinasabi ng puso, please lang sabihin mo na. Alam ko natatakot ka ring may masaktan sa kanila pero ganun talaga eh, sinabi naman nila sa’yo diba handa silang mag-take ng risk. Kasi kahit pag bali-baligtarin natin ang mundo meron at merong masasaktan, mas mabuti ng masaktan siya agad at least mas makaka-move on siya agad, kaysa naman sobrang tagal mo pinaasa tapos mababalewala din pala. Ok? Gets mo naman ako diba.

JESSEY: Yeh! I know. Natatakot lang din kasi ako na baka yung hindi ko mapipili, iwanan ako. Eh bago naman ang lahat ng ito eh kaibigan ko na yung dalawang yun. Ayaw kong may mabago.

MELA: Jess, may mababago at mababago diyan. Pero diba kung makikita ka naman niyang masaya, kung sino man yung di mo talaga gusto, i think, oo masasaktan siya pero kung mahal ka niya talaga maiintindihan niya yung ginawa mo at sigurado ako babalik din yung friendship na mayroon kayo.

JESSEY: Hay, ang hirap naman!

MELA: Eh ang ganda mo teh eh! Ikaw na! *pagbibiro nito*

JESSEY: *natawa* Sira ka talaga! Tara na nga, punta na tayong training.

MELA: O sige, sige....

Pumunta na nga sila Mela at Jessey sa QPav para sa kanilang training. Andun na rin ang iba nilang teammates at ng dumating na si Coach Odjie ay nagsimula na sila para sa matindi nilang training.

Ang mga Lady Spikers din naman ay nagsimula ng mag-training dahil sa matindi nilang laban sa Miyerkules against NU. Maraming nagsasabi na ito ay maaaring preview of the finals. Kung kaya’t mas intense ang pag-train ni Coach Ramil sa mga alaga niya.

Matapos ang training ng Tigresses ay bumalik na sila agad ng dorm. Pagdating sa dorm ay naghanda naman sila Jessey at Ria para sa pagpunta nila sa SB para mag-review.

Pagdating sa SB ay medyo madaming mga nag-aaral buti na lang ay may nakita silang saktong papaalis na couple sa parang sofa kung kaya’t dali-dali silang pumunta dun at nakuha ang pwesto. Si Ria na ang bumili ng drinks at food nila. Pagbalik ni Ria ay nagsimula na nga silang mag-aaral. Magkatabi sila sa upuan. Tahimik lang na nag-aaral.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon