Masarap na natutulog sila Mika at Jessey. Masarap pa nga ang pagkakayakap nila sa isa’t-isa ng biglang...
MELA: Goood Mooooorning people of the wooooorld! *maingay nitong bati sa dalawang natutulog*
MIKA: *binato ang unan pero hindi naman tinamaan si Mela* Ang ingay mo Mela!
JESSEY: Mela-babes, ansarap pa ng tulog namin eh. *sabay humigpit ang yakap kay Mika kaya napangiti naman si Mika*
MELA: Bakit? Kulang kayo sa tulog??? *nagulat* OMG! Don’t tell me??? Ginawa niyo na yung ano.. OMG!!! *biglang sumigaw* Kimmy-loves!!! Ginawa na nila!!!!
Napadilat tuloy ang dalawa dahil sa mga sinabi ni Mela at namumula pa.
JESSEY: Hoy! Wala kaming ginawa ah.
MIKA: Ikaw talaga Mela kung anu-ano sinasabi mo. Mamaya may makarinig sa’yo.
MELA: Hahaha! Oh, eh di napabangon ko kayo bigla noh. Alam ko namang hindi niyo gagawin yun eh. Dahil una, masyadong dalagang Pilipina yang si Jessey, kaya kahit anong pangungulit ang gawin mo Mika hindi ka niyan agad-agad pagbibigyan at pangalawa, kapag sinabi ni Jess na ayaw niya, susunod ka naman agad, under ka eh. Hahaha!
MIKA: Aba! Loko ka talaga Mela ah.
MELA: Hahaha! Bakit? Mali ba ako??? *pag-dadare nito*
MIKA: Ummm... Ano... Ahhhh...
MELA: Hahaha! Kitams, tama naman ako eh.
JESSEY: Hahaha! Tama na nga kayong dalawa, sige na Mela-babes. Susunod na kami. Maligo lang kami.
MIKA: *naughty smile* Sabay tayo???
MELA: Aysus! Napaghahalata ka talaga Mika... Grabeng pagnanasa yan.
JESSEY: Mika, behave! Sabay ka diyan. Gusto mong hindi tayo magkita ng isang buwan.
MIKA: *napakamot ng ulo* Hehehe! Sinubukan ko lang, baka makalusot... *tumingin kay Mela* Sige na lumabas ka na, mag-aayos na kami. Mag-handa na rin kayo ng breakfast natin. Gutom na kami.
MELA: Aba! Hoy, hindi ako yaya niyo dito noh. Bahala kayo sa breakfast niyo, bilisan niyo na nga. *at lumabas na siya ng room*
MIKA: *tumingin kay Jessey* Di ba talaga tayong pwedeng sabay? Tipid na sa tubig, tipid pa sa oras. *sabay smile ulit*
JESSEY: *binato ng tuwalya* Ay nako! Tigil-tigilan mo ako Mika ah. Bilisan mo na, maligo ka na. If I know, ayaw mo lang talaga maligo, gumagawa ka lang ng palusot diyan para maantala ang pagligo mo. Bilis na, pasok na ng banyo.
MIKA: *nag-pout* Awwww... kilala mo talaga ako. Asar! Sige na ikaw na maligo dito, dun na ako sa kabilang room maligo para matapos tayo agad. Nagugutom na kasi ako eh. Para makapag-breakfast na tayo.
JESSEY: Hahaha! Oh sige, ang takaw mo talaga.
MIKA: Tignan mo na lang yung cabinet ko, may mga damit ka dun eh.
JESSEY: Okay...
Lumabas na nga si Mika para maligo sa kabilang bathroom habang si Jessey naman ay naligo na. Nakipagkulitan muna si Mika sa iba niyang mga kaibigan kaya naman nahuli siyang matapos. Pagkatapos niyang maligo ay bumalik muna siya sa kwarto para mas makapag-ayos pa ng kaunti. Nakabihis naman na si Mika at alam din niyang tapos ng maligo si Jessey dahil may naririnig na siyang mga kaluskos sa kwarto. Kaya ng buksan niya ang pinto ay nagulat siya...
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...