Chapter 63

526 18 9
                                    

Nauna na si Mika na umakyat ng kwarto at kasalukuyan niyang hawak-hawak ang kanyang phone at tinitignan ang picture nila ni Jessey na magkayakap at todo ngiti...

MIKA: Mahal, i miss you na... Please gumising ka na oh. *naiiyak* Alam ko naman yung pagkakamali ko eh. Lahat gagawin ko magising ka lang ulit. Sila mama mo sobrang lungkot daw, tapos si Jelo hindi na rin masyadong nakain, si Mela lagi na lang mainit ang ulo. Please Mahal ko... Kahit hindi para sa akin, para na lang dun sa iba pang taong nagmamahal sa’yo. Alam ko pwedeng hindi mo na ako mapatawad pero mas gugustuhin ko naman na magalit ka sa akin kaysa naman iwan mo yung mga taong nagmamahal sa’yo. Naaalala ko pa nun, takot na takot kang sagutin ako kasi ang iniisip mo eh hindi mo kayang ibigay yung pagmamahal mo, na baka hindi sapat o hindi kagaya ng love na maibiigay ko tapos dahil dun eh iwan kita. Hay, kung alam mo lang... Sobra-sobra yung pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Ako nga yung hindi man lang natumbasan yung pagmamahal na naibigay mo sa akin. Ako yung nabigo, Mahal. Ako yung nagkulang. Sorry ah... *mas lalong tumindi ang pag-iyak* Sorry sa mga pagkukulang ko, Sorry sa mga pagkakamali ko... Sorry if wasn’t able to give you the love that you deserve... I’m really sorry. Okay lang na wag mo na akong patawarin basta please gumising ka lang. Parang kulang na kulang ako simula ng maging comatose ka. Everyday is a struggle thinking na anytime pwede kang kunin and it is all because of me... Hiyang-hiya ako sa parents mo, nangako ako na aalagaan kita pero nabigo ko sila... Kahit sila mama ko nalulungkot sila sa mga nangyayari. Kaya please Jess, come back...

Nagpatuloy lang si Mika sa kanyang pag-iyak hanggang sa nakatulog na siya.

Sa Hospital Room ni Jessey...

MELA: Tita Ye, ano na pong balita sa lagay ni Stick?

JZ’S MOM: Di pa ulit bumabalik yung doctor eh. Maya-maya siguro andito na yun. Pero kaninang umaga ang sabi niya for sure mangangailangan si Jessey ng therapy paggising niya. Pero wala pa ring concrete answers kung ano nga bang naapektuhan sa kanya.

DANCEL: Napayagan niyo na po ba si Mika na bumisita kay Stick?

MELA: Butod?!?!?! *suway nito*

DANCEL: Sorry po tita... tito...

JZ’S DAD: Okay lang... Pero para sagutin yung tanong mo... Hindi pa. Naaawa ako kay Mika kasi alam ko naman na naguiguilty rin naman siya sa mga nangyari at napamahal na sa amin ang batang yun at ayaw ko sanang maging ganun ang pakiramdam niya pero kapag nakikita ko kasi si Jessey  *tumingin kay Jessey* At nakikita ko ang ganyan niyang lagay *medyo naiiyak* hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng sakit at kaunting galit kay Mika eh.

JZ’S MOM: Bago pa maging si Mika at Jessey, naging matalik silang magkaibigan kaya alam ko rin namang nasasaktan si Mika pero kagaya na nga rin ng sinabi ng Tito Jess niyo, di ko pa rin kayang makita si Mika eh. Masakit pa para sa amin. Pinagkatiwala namin ang anak namin sa kanya tapos ganito lang ang mangyayari... *maiiyak*

DANCEL: Sorry po talaga sa pagtanong ko...

JZ’S DAD: Okay lang Butod... Kamusta naman pala kayo?

DANCEL: Okay lang?

JZ’S MOM: Bakit parang di ka sigurado...

MELA: Paano po kasi lahat sa team walang ganang mag-training lately. Buti na nga lang po at tapos na ang season at medyo matagal pa ang V-league eh.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon