Pagkaupo nila Mika at Jessey ay nagkwento na nga si Jessey.
JESSEY: Ganito kasi yun. Yung nakita mo kami after nung game nile while waiting for our turn, lahat yun si Marge naman ang nagsimula, siguro mali ko na hindi ako umiwas, pero kasi nagulat lang din naman ako sa embrace niya at pag-kiss niya and alam mo naman ako BF, sanay naman na ako sa mga clingy moments na ganun so sa akin kahit papaano, wala lang yun. Walang malisya. *humarap kay Mika* Sorry kasi alam ko din na dapat sinabi ko sa’yo na nagkaka-textan kami pero kasi noon pa naman yun nitong bandang huli naman hindi na masyado. Aaminin ko, natutuwa ako kay Marge, cute siya, at mabait. Kapag gusto kong lumayo sa mga nakasanayan ko na, siya ang kinakausap ko kasi hindi siya yung normal na parte ng buhay ko eh, kaya kapag nakakausap ko siya parang nakaka-fresh ng pananaw sa buhay. Pero never akong nagkaroon ng deeper feelings for her. Pero siya nagtapat siya sa akin kanina, yun yung nakita mo sa dug-out kanina...
MIKA: *biglang sumingit* Soooo gusto ka nga ni Marge??? *medyo naiinis*
JESSEY: Oo, yun yung pinaguusapan namin... pero i think hindi mo narinig yung conversation namin. Nung una pinagtapat niya sa akin yung nangyari sa kanya sa past.
MIKA: Yung about sa girl na gusto niya tapos may iba palang gusto?
JESSEY: Oo, yun nga. Paano mo nalaman yun? *pagtataka nito*
MIKA: Ah eh... ummmm... kay Aly... Hehehe!
JESSEY: *naiinis* Kay Aly?!?!?!?!
MIKA: Oh cool lang GF... Eh kasi nung araw na nakita ko kayo ni Marge nagselos ako eh sakto nakausap ko si Aly nun tapos medyo nabanggit ko yung name ni Marge sa conversation namin kasi tintry ko din nga makakuha ng chismis if may gusto sa’yo si Marge, eh ayun na-kwento sa akin ni Aly lahat. Actually nasabi rin niya na balak nga daw talaga ni Marge magtapat sa’yo. Kaya pinlano ko na pumunta dito para sana maunahan ko siya eh kaso na-late kami ni Ara. Tapos ayun nga nakita ko na mag-kausap na kayo. Eh ano ba yung pinaguusapan niyo kanina. Parang ang ok niyo kasi kanina eh.
JESSEY: Ah yun ba, ganito kasi yun...
FLASHBACK
MARGE: Nasabi ko noon sa’yo na crush kita pero hindi pa ako ganoon ka-seryoso nun sa’yo kasi gusto ko kapag humarap ako sa’yo at naging seryoso ako eh yung alam kong settled na yung feelings ko, yung talagang naka-move on na ako from my previous pains at ikaw ang dahilan kung bakit ako nakaalis sa sakit na yun. Kaya sana ngayon payagan mo naman ako na mahalin kita ng buong-buo kagaya ng magkakabuo mo sa aking muli. *nakahawak sa mga kamay ni Jessey*
JESSEY: *tumingin si Jessey kay Marge at nag-smile at medyo naiiyak* After hearing your story and knowing na malaki ang naitulong ko sa’yo kahit na wala naman talaga akong nagawa for you...
MARGE: *sumingit* don’t say that... Yung sinabi mo sa akin about my smile, that changes everything. And yung mga words of wisdom and encouragement mo sa akin thru our conversations, malaki ang nagawa nun for me.
JESSEY: *naka-smile* I’m really touched and flattered na nakatulong ako sa’yo. That I was able to make you a better person kagaya ng sinabi mo kahit medyo ang awkward sabihin. I never really expect na may tao akong matutulungan thru my words. At nakakatuwa kasi sa’yo pa, coz I like you... *napangiti naman si Marge* Pero kagaya nga ng sinabi mo, siguro nga dapat maging honest ako para wala ng masasaktan pa. I like you Marge, mabait ka, nakakatuwa at talagang iba from the other people na close sa akin. Pero kasi I don’t feel the same way like you do. I like you as my friend... *medyo nalungkot si Marge* Ayaw kong gawin sa’yo yung na-experience mo noon. I don’t want to hurt you more kaya sinasabi ko na ito agad. Alam ko masasaktan pa rin kita, and as much as possible ayaw kong gawin yun but i need to be honest with you. *umiiyak*

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...