Chapter 39

2.1K 33 9
                                    

Habang nasa taxi sila Kim at Jessey ay hindi na nakatiis si Kim at tinanong na niya si Jessey kung ano nga bang nangyari. Kinuwento ni Jessey lahat, yung pagtanong niya kay Mika, yung nakita niya sa phone at kung anu-ano pa.

JESSEY: *naiiyak* Hay Ate Kimmy, bakit ba ganito? Nung isang araw sobrang saya namin, bakit binawi naman agad.

KIM: *nakahawak sa mga balikat ni Jessey* Tahan na Jessey, hayaan mo kakausapin ko din yang si Mika. So, Ano ng plano mo? Kailan mo siya kakausapin.

JESSEY: Hindi ko po siya kakausapin?

KIM: Huh? So break na kayo?

JESSEY: Hindi naman po.

KIM: *mas lalong naguluhan* Ano??? Eh sabi mo di mo sia kakausapin...

JESSEY: Hahayaan ko pong siya ang kusang lumapit muli sa akin.

KIM: Eh diba sabi mo sa kanya bawal ka niyang kontakin, na ikaw ang tatawag sa kanya... Ikaw ang nag-ask ng time and space, so for sure susunod si Mika.

JESSEY: I know Ate Kimmy...

KIM: So... di ko maintindihan kung anong point mo... Ang unfair nun for Miks.

JESSEY: Ako pa ang unfair? *medyo naiinis na tumawa*

KIM: Ok, im sorry, im sorry di namam sa sinasabi kong unfair ka... I mean, di ko kasi maintindihan talaga eh.

JESSEY: I know Mika so well, Ate. Oo, ako ang nag-ask for time and space pero honestly hindi naman ako ang may kailangan nun eh. Sa nangyari ba sino ang may mali? Sino ba yung parang hindi secured sa relationship namin? Sino ba yung naglihim at nagtago?

KIM: Ooooohhhhh...

JESSEY: Si Mika, hindi yan hihingi ng time at space, kasi siya ang gusto niya resolve agad.Oo, dedma yan sa mga tao kapag may naiinis sa kanya, wala yang paki-elam kung may taong galit sa kanya basta ba yung tao na yun eh hindi niya naman talaga kakilala, kapag ganun hindi niya yun papansinin at di niya bibigyan ng oras pero kapag ka-close na niya, ibang usapan na yun. Ayaw niyang pinapatagal ang isang away kapag sa ka-close niya, kaya nga kapag may tampuhan kami niyan nun talagang mangungulit yan eh. As in ayaw niyang hindi agad maging okay. Ang thinking niya kasi bakit pa patatagalin ang mga bagay-bagay kung kaya naming maayos agad, sayang ang oras na dapat ineenjoy nyo with that person na important sa’yo dahil sa mga tampuhan na yan. Oo tama naman siya dun eh pero it doesn’t apply to all situations in our life. Akala niya kasi lahat ng bagay kayang masolusyunan kagad and we all know na may mga bagay-bagay na kapag minadali, hindi maganda ang kalalabasan nito. Masyado kasi siyang aggressive eh, minsan di na niya pinagiisipan ang mga moves niya, so this is the time for he r to think.

KIM: So ano na? Kailan mo malalaman na ok na kayo.

JESSEY: I will wait for her...

KIM: Eh asa naman tayo diyan, alam mo naman yun, kapag sinabi mo, sinabi mo. Hindi yun susuway sa’yo.

JESSEY: Ate Kim, kung mahal niya ako talaga babalik din yun, siya rin ang magkukusa. Kahit ano pang pigil ko sa kanya. Ma-ego din yang si Mika, kaya kahit anong pigil ko man din sa kanya at the end of the day, gugustuhin niyang masunod siya. Pero diba at least kung ma-realize naman niyang hindi talaga ako ang gusto niya, na hanggang pang-bestfriend lang talaga ang relationship namin at least we can all just move-on soon at ng maging masaya na rin siya with someone na talagang gugustihin niyang makasama. *medyo naiiyak*

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon