Nasa isang coffee shop lang si Mika. Medyo malayo sa DLSU para mas makapag-focus lang siya sa kanyang pag-aaral at makapag-isip-isip...
MIKA’s POV:
Hay, kamusta na kaya si Jessey. Wala akong balita sa kanya simula nung umalis siya. Di ko alam kung bumubuti ba yung lagay niya or what. Ang hirap ng ganito! Pero anong magagawa ko. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari to. Ang hirap hindi sisihin ang sarili ko. Alam ko may mga taong nagpagulo ng lahat pero dahil naman sa actions ko kaya nangyari ang mga nangyari. Sana lang Jess mabuti pa ang lagay mo. Sana gumaling ka na Mahal ko. Magalit ka sa akin, sapakin mo ako, sampalin o kahit ano. Okay lang sa akin basta alam kong okay ka na ulit. Hay...
Nagbalik na ulit si Mika sa pag-aaral niya ng biglang mapansin niya may babaeng bumaba ng taxi at tila umiiyak. At ng titigan niyang mabuti ay nakita niyang si Aly pala yun kaya agad siyang lumabas upang tignan ito.
MIKA: Aly!
ALY: *nagulat* Mika?
MIKA: Okay ka lang?
ALY: No....
Muling umiyak si Aly at yumakap kay Mika...
ALY: Niloko nila ako... Niloko nila ako... *patuloy lang sa pag-iyak*
MIKA: What do you mean?
ALY: Si Jovee... Niloko niya ako...
MIKA: Shhhh... Shhhhh... Tahan na. Wait lang. Wait lang... Tara wag tayo dito. Sakay ka muna sa kotse ko tapos kunin ko lang yung gamit ko sa loob ah. Tapos alis tayo dito. Dun tayo sa hindi matao. Okay lang sa’yo?
ALY: Okay...
Inalalayan na nga ni Mika si Aly sa kanyang sasakyan. Agad niya na ring kinuha ang kanyang mga gamit upang makaalis na sila ni Aly.
----------------------------------------------------------
Sa dorm ng Tigresses....
PAM: O Kimmy!!! Kamusta???
KIM: Hello po Ate Pam! Hello girls... Onga pala, pasalubong!!!
CHLOE: Yun oh! Alam talaga ni Kimmy ang gusto natin... Donuuuuuuts!!!
KIM: Syempre naman, lablab ko kayo eh.
MIA: Thanks Kim!
RIA: Andun sa kwarto yung hinahanap mo...
KIM: Hehe! Alam na alam mo talaga ang pakay ko RIri eh...
PAM: Sige na puntahan mo na yun dun. Medyo malungkot eh.
KIM: Bakit?
PAM: Summer eh... Eh dapat ngayon yung punta namin sa Bataan, naka-plano na kasi yun bago pa nangyari yung kay Jess, na this month, as in this day mismo yung saktong alis namin papunta kina Jessey eh ayun, nakita niya sa planner niya kanina at sakto pang naka-alarm pala sa phone niya.
CHLOE: Paggising eh umiiyak agad... Hay...
KIM: Wala po ba kayong balita kay Jess?
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...