Chapter 9

3.7K 31 10
                                    

Sa araw ng laban ng DLSU ay tinawagan ni Jessey si Mika.

JESSEY: Hello BF?

MIKA: Oh BF napatawag ka buti hindi ka busy sa pagrereview sa SB... *medyo inis nitong sagot*

JESSEY: Ito naman, tampo kagad, alam mo huwag mo ngang bigyan ng meaning yung picture namin ni Ria. Nag-uusap lang kami nun.

MIKA: Ang sweet niyo palang mag-usap noh... grabe may pa-hawak pa sa pisngi.

JESSEY: Alam mo kung hindi ka lang cute pakinggan habang nagseselos eh ibinaba ko na ‘tong phone.

MIKA: Hindi ako nagseselos! *asar nitong sabi*

JESSEY: Hindi talaga??? *pang-aasar nito* EHh bakit ganyan yung way mo ng pakikipag-usap. Saka bakit hindi mo ako kinakausap ng maayos. Saka kung love mo nga ako dapat nagseselos ka. So ibig sabihin pala di mo ko love kasi di nag-seselos eh... hahaha!

MIKA: JESSEY DE LEON!!!! *naasar na* OO na!! Oo na!!! Nagseselos ako. Sobrang nagseselos ako kasi lagi na nga kayong nagkakasama tapos nasosolo ka pa niya. Tapos andami pang sumusuporta diyan sa JeRia na yan... Samantalang sa ating dalawa wala namang sumusuporta.

JESSEY: *natatawa* hahaha! Fans club lang pala ang pinoproblema mo eh... HAHAHA!!!

MIKA: Hindiiiiiii!!!!

JESSEY: O sige na, sige na... cool ka lang ikaw naman... kalma lang may game kaya kayo today.

MIKA: *medyo nahimasmasan* Ikaw kasi eh. Lakas mong mag-asar.

JESSEY: Eh pikon ka din... hahaha!

MIKA: Oh ayan ka nanaman... bakit ka ba tumawag?

JESSEY: Syempre, para i-goodluck ang BF ko...

MIKA: Babe Forever???

JESSEY: Hehehe! Asa... pero seryoso, goodluck BF, galingan niyo ah... dapat yung first set nila 8pts din para may kasama kami.... hahaha!

MIKA: Sige, akong bahala.. gagawin ko yan for you!

JESSEY: Aasahan ko yan ah. Oh sige na, sige na bye bye na andito na prof ko. Galingan mo ah! Mwah!!! *sabay baba ng phone*

Tuwang tuwa naman si Mika sa pagtawag ni Jessey at dahil din dun ay naging maganda ang laro niya at tulad ng kanyang pinangako, 8pts lang ang NU sa first set. Tinapos din nila ang game in three straight sets...

Pagkatapos ng game ay nakatanggap din siya ng text galing kay Jessey para i-congratulate siya sa kanilang panalo at nagpasalamat sa pagtupad sa kanyang pinangako.

Sabado naman ang game ng UST against UE... Ramdam na ramdam ni Jessey ang pagod dahil sa tambak na school works na kailangan niyang gawin at isama pa ang mga trainings nila gabi-gabi. Nang araw din yun ay nag-text naman si Mika para i-goodluck si Jessey.

Nanalo ang UST sa laban na yun pero hindi satisfied si Jessey sa performance niya sa game na yun. Medyo nag-aalala din si Mika kasi alam niyang hindi ganun ang laro ni Jessey kung kaya’t tinawagan niya ito. Nag-usap ang mag-BF ng buong gabi kahit na may laban pa sila Mika kinabukasan. Hindi na niya ito inisip, ang mahalaga ay makausap niya si Jessey at masigurado na okay ito. Bago matapos ang kanilang pag-uusap sinabi ni Jessey na manonood siya ng game nila Mika against UP dahil nagpapasama rin sa kanya si Mela, kaya naman tuwang-tuwa si Mika ng marinig ito.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon