Chapter 41

1.8K 30 6
                                    

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng huling magkita at magkausap sila Mika at Jessey.

MELA: Waaaaah!!! My gosh, Stick kalian mo ba kasi kakausapin yang si Kapre eh. Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa eh…

JESSEY: Huh? Inaano ka ba namin?

MELA: Wala!

JESSEY: Precisely... so why the hate??? Hahaha!

MELA: Naku! Naku! Naku! Huwag mo akong idadaan diyan sa mga tawa mong hindi naman totoo. Seryoso kasi ako stick, una, hindi ka kumakain ng maayos, pangalawa, yung mga plates mo nagkakatambakan na at pangatlo sa training halatang hindi ka 100%, lagi ka ngang napapagalitan ni coach eh. Sabi mo nung araw na humingi ka ng time at space kay Mika eh magfofocus ka sa studies at sa training. Eh , parang mas lalo ka pang nawala sa focus eh. Tapos yung game nating against Ateneo nung isang araw grabe ka parang hindi mo alam kung anong nangyayari sa paligid mo. Sobrang wala ka sa focus.

JESSEY: *napabuntong hininga* Hay... di ko alam. Naguguluhan ako. Namimiss ko na siya, walang araw na hindi ko naisip na puntahan na siya sa Taft pero kailangan akong magpakatatag eh. Nakakalungkot kasi akala ko agad-agad siyang gagawa ng paraan para magkita kami at maayos ito, kasi ganun siya eh. Pero ngayon tignan mo, ilang araw na yung lumilipas pero ganun pa rin. Ni text or whatever wala. Siguro nga talaga hanggang mag-bestfriend lang kami.

MELA: Ay grabe lang, eh diba ito ang ginusto mo?

JESSEY: Hindi naman sa ginusto ko ito, it’s more of like ito yung nararapat eh.

MELA: Eh alam mo naman ding under yun sa’yo eh.

JESSEY: Kung maka-under ka naman! Grabe ah...

MELA: Talaga naman eh.

JESSEY: Pero kahit na, kapag usapang tampuhan hindi yan papayag. Parang ang dali lang sa kanya na hindi ako makausap.

MELA: Paano mo naman nalaman?

JESSEY: Ang alin?

MELA: Na sa part niya eh madali lang na hindi ka niya makausap. Nakita mo na ba siya? May nakuha ka bang balita?

JESSEY: Wala!

MELA: Eh yun naman pala eh. So di mo rin alam na baka mamaya siya rin nahihirapan pero wala siyang choice kasi sinusunod niya lang yung gusto mo???

JESSEY: Ummmm.... Teka, bakit ba todo pagtatanggol ka kay BF?

MELA: Hindi ko naman siya pinagtatanggol pero kasi nag-aassume ka na kagad eh, kapag nag-assume ka ng nega eh di lalo ka lang malulungkot, tapos lalo ka lang magagalit sa kanya eh hindi ka naman sure. Parang tanga lang diba, galit ka sa kanya sa kadahilanang feeling mo ganun yung ginagawa niya or na-fefeel niya sa’yo. Unfair naman...

JESSEY: Pssshhhh... Ewan ko sa’yo! Sige na, tatapusin ko na muna itong plates ko dahil matindi-tinding training nanaman yan bukas.

MELA: Okay.. mag-aaral na rin ako for exams...

Sa Dorm ng LS...

MIKA: Waaaaaaaaaaaah! Ate Kim!!!! Mababaliw na ako!!!

KIM: *tumigil sa pagbabasa at tumingin kay Mika* Matagal na! Ngayon mo lang nalaman?

ARA: Hahaha! Oo nga Daks... ano ba yan... late ka bang nasabihan. Hahahah!

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon