Chapter 69

496 15 2
                                    

Nag-start na nga game ng UST at ADMU.

UST Side...

PAM: Ok girls! Alam ko malakas ang Lady Eagles dahil sila ang nag-champion sa UAAP pero kaya natin silang talunin basta magtulong-tulong lang tayo.

MELA: Oo nga! And remember we’re doing this for Jessey!

RIA: Yes mga ate! Wag kayong mag-alala hinding-hindi ako papayag na makalusot ang mga palo nila.

MELA: Ganyan nga Riri!

LOREN: Remember girls, for Jessey!

RHEA: At tandaan niyo rin wag magpapaapekto sa crowd... Sa kanila ang crowd, kaya mag-focus lang tayo.

GT: Yes Miss Sassy!

PAM: And EJ, wag kang magpapaapekto sa nagcocompare sa inyo ni Aly ah.

EJ: Opo naman...

MELA: Mabait naman yang si Aly eh.

LOREN: Wow! Totoo bang ikaw yan, Mela?!?!?!

MELA: What?!?!

CHLOE: Eh parang nun diba galit na galit ka kay Aly because of what happen to Jessey.

MELA: Alam niyo si Jessey ayaw din naman niyang nagtatanim tayo ng galit sa iba...

PAM: Eh bakit kay Mika?

MELA: Iba naman yun... Saka basta, sa tamang panahon malalaman niyo rin...

MIA: Aba may nililihim...

MELA: Hindi ngayon ang tamang oras para mag-chikahan.

PAM: Hay, tama si Mela... Okay girls...  FOR JESSEY!!!!

GT except PAM: WIN!!!!

ADMU Side...

ALY: Girls, natalo na natin sila noon kaya for sure kaya rin natin sila ngayon.

AMY: Oh yes Captain!

ALY: Wag lang magpapakampante okay...

MARGE: Tama... Dahil panigurado lalaban sila talaga, alam niyo naman ang Tigresses, hindi yan sumusuko. And for sure mas inspired sila maglaro nakita niyo naman dun sa mga previous games nila. Sobrang iba nung UAAP.

ALY: Kaya girls, bring your A-game... Oo Heart Strong ang mantra natin pero itong kalaban natin ngayon mukhang Heart Stronger... Sabi nga nila ang tigre kapag nasusugatan, mas lumalaban. And we all know may pinaglalaban sila dahil may mga tao kasing tila yata walang puso at kayang manira ng buhay ng may buhay. *pasimpleng tingin kay Ella*

DENDEN: Woooow! Iba na yata yang hugot mo Alyssa...

ALY: *natawa* Ay ganun ba... Sorry naman... Wala naman sigurong natamaan dito noh?

MICHELLE: Ate, may pinaglalaban ka din ba... Hehehe! Joke!

ALY: Loko ka talaga! Basta laban lang girls.

MAE: Of course, Captain! Ang ganda kaya ng laro ni Ate Ella ngayon.

ALY: Ah oo nga... *pilit na ngumiti* Kaya mag-ingat ka Ella, maganda laro mo baka ikaw ang targetin na sirain ang laro. Alam mong ibang klase si Mela kapag lumaban, lalo na kapag may pinaglalaban...

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon