Sa dorm ng Lady Spikers...
ABY: Oh guys, last game na natin bukas kaya matulog na ng maaga ah. Good night!
LS: Yes mommy, good night! *nagsipuntahan na nga sa mga kwarto ang LS*
Sa kwarto ng wafs...
ARA: Kahapon ka pa tahimik, Daks ah.
MIKA: *tulala*
ARA: Huy! Daks...
MIKA: *nagulat* Ha?
ARA: Wala sa sarili...
MIKA: Ano?
KIM: Sabi ni Ara, kahapon ka pa daw tahimik. San ka nga pala nagpunta kahapon ng umaga? Aga mo daw umalis eh.
MIKA: Huh? Wala nag-walking lang para ma-relax...
ARA: Ahhhh... Bakit ang tahimik mo?
MIKA: Wala lang... Kinakabahan lang...
ARA: Ahhhh... sure ba yan??
MIKA: I think I need to break-up with Jessey. Mukhang hindi na niya ako mahal.
KIM: Wait... wait... wait... Bakit napaka-out of nowhere naman yan.
ARA: I agree...
KIM: Hey...
MIKA: *Napabuntong-hininga* Napansin ko lang kasi, parang lately ibang-iba ni si Jessey sa akin. Di na kagaya noon.
ARA: I agree, Daks.
KIM: Wag ka ngang sulsol diyan Ara. Ye, alam mo baka dala lang yan ng emosyon mo dahil na rin sa finals natin. Wag kang magdedecide agad ng ganyan kasi baka pagsisihan mo sa huli.
ARA: Alam mo Ate Kimmy tama lang yan kasi dapat nga ngayon siya pinaka-sinusuportahan ni Stick eh. Pero asan siya for Mika... Wala!
MIKA: Tama si Ara, Ate eh... Tignan mo si Mela, kahit di man siya madalas nanonood madalas ka niyang tinatawagan or tinetext to check you. Eh si Jessey, wala... Napakadalang tumawag. At kung hindi pa ako yung mauuna eh wala talaga akong makukuhang support from her.
KIM: Busy lang yun...
ARA: OA sa pagka-busy ah... nababaon sa limot ang girlfriend????
MIKA: Hay... di bale, i will talk to her after ng game natin. I think rin naman eh makikipag-hiwalay na siya sa akin eh...
KIM: Huh? San mo naman nakuha yan...
MIKA: Basta... feeling ko lang...
KIM: Ye, wag mong isipin yan... Tama na muna yan. Focus na muna tayo sa ating last game tomorrow, okay?
ARA: Tama! Wag mo munang isipin yang si Jessey...
MIKA: Fine... Tama kayo... I need to be 101% ok for tomorrow’s game. Unfair na sa team natin ang inaasal ko. Sige na, tulog na tayo.
ARA: Good night!
KIM: Sige, tulog na tayo...
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...