Chapter 53

602 21 10
                                    

Pagtingin ni Mika sa kanyang cellphone ay nakita niyang may text sa kanya si Jessey.

FROM MAHAL KO: Nauna na kami dun sa party ah. Kita na lang tayo dun, BF.

MIKA’S POV:

So ganun na lang talaga... BF na lang talaga tapos hindi man lang niya ako inantay. Ni hindi man lang niya ako kinomfort dahil natalo kami at alam naman niyang masakit yun para sa akin. Psh! Siguro kasi andun siya para mag-celebrate kasama ng kanyang Champion na si Marge... Grrrr! Kainis! This is it. Ayaw ko na talaga... Harap-harapan na niya akong pinagtatabuyan. Harap-harapan na niya akong niloloko... Magpapakatanga pa ba ako.

Biglang nawala sa taimtim na pag-iisip si Mika ng tinawag na sila ni Aby para makapunta na sa party. Gusto na sanang umuwi na lang ni Mika pero naalala niya na dapat na nga niyang makausap si Jessey. Nauna na siyang sumakay sa bus at nag-intay pa sa iba nilang teammates na nagpapapicture sa mga fans. Alam niyang maraming nag-aantay sa kanya ngunit dahil wala siya sa mood para magpapicture at bakas sa mukha niya ang lungkot ay agad na lang siyang sumakay sa bus nila.

Medyo natagalan sila bago nakaalis at nakapunta sa nasabing party. Buong byahe ay tahimik lamang si Mika. Hindi na rin muna siya kinausap nila Ara at Kim dahil alam nilang gusto ni Mika na mapag-isa.

Pagdating sa party ay agad hinanap ni Mika si Jessey. Medyo naka-hinga siya ng maluwag ng makita niyang ang mga teammates niya ang kanyang kasama at hindi si Marge at napansin din niyang sobrang saya nito na tila ba sobrang excited.

Paglingon ni Jessey ay napansin niyang nakatingin si Mika sa kanya. Biglang nawala ang kanyang ngiti at tila nabalot ng kaba. Agad naman din siyang pilit na ngumiti at kumaway kay Mika. Nagtaka tuloy si Mika sa inasal ni Jessey.

MIKA’S POV:

Kanina ang saya-saya niya na para bang sobra pa siyang excited. Pero nung nakita na niya ako bigla na lang siyang kinabahan tapos yung mga ngiti niya, halatang pilit na pilit. Hay, ito na nga ata ang sign ni Lord sa akin.

Lumapit na si Jessey kay Mika at niyakap niya ito.

JESSEY: Hey Love, sorry nauna na ako pumunta dito. Kulit kasi ni Mar—I mean ng teammates ko eh.

MIKA: Hinahantay pa naman kita, alam mo namang sad ako eh.

JESSEY: Awwww... Wag ka na sad. *kiss sa cheeks ni Mika* Ginawa mo naman yung best mo eh.

MIKA: Hay...

JESSEY: Bakit, may problema ba?

MIKA: We need to talk...

JESSEY: Pwede bang bukas na lang?

MIKA: Bakit bukas pa?

JESSEY: Need ko na kasing umalis eh..

MIKA: Bakit? Dahil nandito na ako?

JESSEY: Love...

MIKA: Kasi maiilang ka ng makipag-usap kay Marge kasi yung “Girlfriend” mo eh nandito na...

JESSEY: *nagtataka* Ano bang pinagsasabi mo?

MIKA: Totoo naman eh...

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon