Chapter 58

624 20 3
                                    

Tahimik lang sila Mika, Marge, Carol, Ara, Cienne, Camille, Mela at Kim sa byahe ngunit damang-dama ang kaba at pag-aalala ng lahat. Hanggang sa hindi na nakapagpigil si Mika at nagsalita na siya.

MIKA: Ate Kimmy, san ba tayo pupunta talaga?Kanina pa tayo bumabyahe... Eh pa-probinsya na nila Jessey ito ah.

KIM: Hay... Onting antay na lang Miks...

MELA: Umuwi siyang Bataan?

ARA: Guys, please... Let’s just wait...

MIKA: *napabuntong hininga* Fine...               

Dahil si Kim ang nagmamaneho ay katabi niya si Mela sa harap kung kaya’t tinignan ni Mela si Kim at nakita niya na tila may bumabagabag kay Kim kung kaya’t mas kinabahan tuloy siya sa kung ano nga bang nangyari kay Jessey. Napansin ni Kim na nakatingin si Mela sa kanya kung kaya’t tinignan niya ito sandali at pilit na ngumiti.

MELA: Kimmy, kinakabahan ako.

KIM: Just be calm my love...

MELA: I know something’s wrong... Kilala kita...

KIM: Wag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano, please...

MELA: Okay... Pero, okay lang ba si Jessey?

KIM: I hope so... I really hope so... *mahinang sabi ni Kim upang hindi marinig ng iba*

Patuloy lang sila sa kanilang byahe hanggang mapansin nila na tila papunta sila sa hospital hanggang sa huminto na nga si Kim ng makapag-park siya sa hospital. Damang-dama ang tension sa loob ng sasakyan...

MIKA: Ate Kimmy... Bakit tayo nasa ospital.. *naiiyak*

KIM: *kalmado lang* Guys, bumaba na kayo...

MELA: *naiiyak* Kimmy, anong nangyari kay Jessey...

MARGE: *naiiyak na rin* Please Kim, tell us...

MIKA: Ate Kimmy! Anong nangyari kay Jessey!!! *galit at naiiyak nitong tanong kay Kim*

KIM: *naiiyak na rin* Ummmm...

CAROL: Ate Kim, sabihin mo na please...

MELA: *hinawakan niya ang dalawang kamay ni Kim habang naiiyak* Please Kimmy, anong nangyari sa kaibigan ko...

KIM: *huminga ng malalim* Naaksidente siya... Siguro papunta siya sa bahay nila dito sa Bataan. Malakas ang ulan at dahil dun madulas yung kalsada kaya bumangga siya. Yung kausap ko kanina, sila yung nagdala kay Jessey dito sa hospital.

CIENNE: Eh kamusta daw si Jess?

KIM: Hindi nila sinabi pero mukhang hindi maganda kaya tara na sa loob...

CAMS: Eh paano yung pamilya niya?

ARA: *naiiyak* Natawagan ko na sila most likely maya-maya eh andito na sila Ate Jermaine at Jelo kasama ang iba pang Tigresses. Si Kuya Jolas---

Hindi pa natatapos ni Ara kanyang sasabihin ay agad na tumakbo si Mika papunta sa loob ng hospital...

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon