Chapter 3

4.1K 26 11
                                    

Sa Dorm ng Lady Spikers.

Nagmamadaling nagbihis si Mika at agad na lumabas ng kwarto.

KIM: Oh bakit ka nakabihis, saan ka pupunta? Gabi na ah. *tanong nito*

MIKA: Si BF kasi eh.

ARA: Bakit anung nangyari? *pag-aalala nito*

MIKA: Dinala nila sa ospital. After daw kasi nung game, pagbalik nila sa UST ang taas daw sobra ng lagnat.

KIM: Gusto mo samahan ka namin?

MIKA: Huwag na, maaga pa class niyo bukas eh. Ako lang ang hapon ang klase bukas. Saka baka mamaya di rin tayo papasukin kapag masyado ng madami.

ARA: Sigurado ka?

MIKA: Oo, paki-sabi na lang sa iba ah.

KIM: Oh sige, kami ng bahala. Balitaan mo na lang kami ah.

MIKA: Sige, sige. Una na ako.

Dali-dali na ngang pumunta ng USTH si Mika. Nakatanggap na rin siya ng text kay Mela kung saang room tinransfer si Jessey.

Pagdating niya sa USTH, saktong nakasalubong niya si Loren.

MIKA: Ate Loren!

LOREN: Ui, Mika! Nabalitaan mo pala yung nangyari kay Jessey.

MIKA: Opo eh kaya nga sumugod ako agad.

LOREN: Ang swerte talaga ng BF mo sa’yo. Oh sige na puntahan mo na yun baka namiss ka lang nun kaya nagkasakit yun. *biro niya kay Mika*

MIKA: Hehehe! Kaw talaga Ate! Uwi ka na po sa dorm?

LOREN: Oo eh. May practicals pa kasi ako bukas ng maaga eh di pa ako tapos sa pag-aaral. Saka Nag-volunteer na rin si Ria na siya na lang ang sasama kay Mela sa pagbantay kay Jessey kasi wala naman siyang klase tom.

MIKA: *medyo nainis nung narinig nanaman niya ang pangalan ni Ria pero di niya ito ipinahalata* Ah ganun po ba. Sige po! Ingat ka po sa pag-uwi saka Good luck sa pag-review niyo po.

LOREN: Salamat!

Umalis na si Loren at agad naman ng pumunta si Mika sa kwarto ni Jessey.

Pagdating niya dun, nakita niya si Mela na nasa labas ng kwarto. At mukhang malungkot. Agad niya itong nilapitan.

MIKA: Mela, anung ginagawa mo dito?

MELA: Ui, hi Miks. Tinawagan ko lang kasi yung parents ni Jessey. Gusto nga sana nilang puntahan eh kaso sabi ko huwag na tutal naman andito kami saka hindi naman siya magtatagal dito.

MIKA: Ah ganun ba, ano bang sabi ng doctor?

MELA: Over-fatigue daw so nothing to worry. Di na kasi nakakapag-pahinga ng maayos yang si Jess lalo ngayong second sem dahil nga mas intense na ang training tapos mas lalong dumadami yung mga requirements niya na ginagawa for school. Hay... *malungkot nitong sagot*

MIKA: Eh bakit pa pala siya naka-confine?

MELA: Nilagyan kasi siya ng dextrose, pinapaubos lang naman yung isang bote tapos pwede na rin naman siyang umuwi. Saka ni-request na rin ni coach kahit overnight lang kasi baka kapag umuwi yan agad hindi lang din magpahinga yang BF mo at unahin yung mga plates niya. Ui, sige na pumasok ka na, andun si Ria nakabantay.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon