Habang nag-aantay sila Mika, Kim, Mela, Ara, Camille, Cienne, Carol at Marge sa hospital room ni Jessey ay bigla namang dumating ang Tigresses at ang mga kapatid ni Jessey na si Ate Jermaine at Jelo.
MELA: Ate Jermaine... *biglang naiyak nanaman siya at yumakap kay Ate Jermaine*
ATE JERMAINE: Mela... Shhhh... Wag ka ng umiyak... Kilala niyo si Jessey, hindi yun susuko.
JELO: Oo nga, si Daga pa ba... *medyo naiiyak*
KIM: Ate, nakausap niyo na po ba yung doctor?
ATE JERMAINE: Yung nurse saka yung isang assistant nung nag-head ng surgery ni Jess yung nakausap ko kasi saktong andun sila sa baba nung pagdating namin at na-explain nila sa akin lahat-lahat.
ARA: Sila Tito at Tita ba, alam na ba nila?
ATE JERMAINE: Oo, ayun nga at umiiyak si Mama... Nagpa-book na sila agad ng flight pabalik ng Pilipinas pati si Kuya Jolas pabalik na rin from Cebu. Oo nga pala, after ng surgergy dadalhin na si Jessey pabalik ng Manila.
MELA: San po siyang hospital ililipat.
ATE JERMAINE: Sa USTH... Nakausap ko na rin kasi si Coach Odjie bali siya na yung nakipag-usap na rin dun. Sabi naman ng doctor after a couple of hours after ng surgery eh pwede na siya ibyahe tutal din naman maganda yung Ambulance na magdadala kay Jess eh at di naman super malayo. Di naman ganun ka delikado saka at least mas complete din yung mga gamit sa UST. May mga tests din kasing kailangang gawin kay Jessey eh wala sila dito nung mga equipment na kailangan. Oo nga pala, alam ko pagod na kayo. Gusto niyo sumama muna kayo kay Jelo, dadalhin niya muna kayo sa bahay. Kasi anong oras na rin nagsimula yung surgery niya so baka matagalan pa yun baka madaling-araw pa matapos yun. So baka mga tanghali pa madala si Jess pa-Manila.
ARA: Ah sige po... bale maiwan na lang daw po muna dito sila Mela, Kim at Mika para makasama mo.
ATE JERMAINE: Oh sige, yung mga Tigresses isama niyo na rin ah pero alam ko magpapaiwan daw sila Loren, Pam at Chloe.
ARA: Ah sige po...
JELO: Ate, mauna na kami ah... Text mo ako agad kapag may balita ah..
ATE JERMAINE: Don’t worry ako ng bahala. Papasukin mo na rin dito sila Loren pag-labas niyo.
MARGE: Sige po Ate, mauna na po kami.
ATE JERMAINE: Oh sige, andun naman yung mga katiwala namin at nasabihan ko na sila, silang bahala sa inyo dun. Huwag kayong mahihiya ah.
CAROL: Opo... opo... Salamat po.
Lumabas na nga ang iba sa kanila at naiwan sa loob sila Mika, Mela, Kim at Ate Jermaine. Pumasaok na rin sila Chloe, Loren at Pam at halatang-halata ang pag-aalala sa mga mata nila. Tahimik lang silang nag-aantay hanggang sa binasag ni Ate Jermaine ang katahimikan.
ATE JERMAINE: Mika... *tingin kay Mika* Samahan mo nga muna ako sa labas.
MIKA: Ah ok po...
Lumabas na nga silang dalawa at bakas ang pagtataka sa mga naiwan sa kwarto.
KIM: Bakit kaya inaya ni Ate Maine si Ye na lumabas...
CHLOE: Eh baka kakausapin niya...
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...