Chapter 37

2.3K 37 4
                                    

Masayang nagpaparty ang lahat pero kailangan ng umalis nila Jessey.

JESSEY: Guys, kailangan ko na talagang umalis. Yung plates ko inaantay na ako eh. Sorry po talaga.

PAM: Sasabay na rin kami ni Mia kay Jessey kasi may exams pa kami bukas.

DZI: Awwww... ganun ba? Salamat talaga sa pagpunta ah.

GRETCHEN: Oo nga... Sana maulit-ulit ito.

MIA: Oo nga po eh, pero san yung wala ng exams kinabukasan. Hahaha!

ELLA: Oo nga, para mas marami tayo.

JESSEY: Sige po... papaalam lang din po kami sa iba.

FILLE: Okay! Ingat kayo ah...

JESSEY: BF... uwi na kami nila Ate Pam at Ate Mia ah.

MIKA: Hatid ko na kayo...

JESSEY: Huwag na, mukhang nag-eenjoy ka pa eh. Minsan lang yung ganito anu ka ba. Saka kasama mo rin naman mga friends natin. Kaya ko na ‘to may mga kasabay naman ako eh.

MIKA: Sure ka?

JESSEY: Yup! Oi si Mela ah. Tignan-tignan mo rin. Si Ate Kim na daw maghahatid sa kanya eh.

MIKA: Yes Ma’am! *sabay salute*

JESSEY: *natatawa* Baliw ka talaga... Lasing ka na.. Huwag na masyadong iinom ah. Baka maging alagain ka pa dito. Wala pa naman ako.

MIKA: Yes Ma’am!

JESSEY: Hahaha! Oh sige na bye BF...

MIKA: Bye my super duper mega love na love na BF! *sabay kiss sa lips ni Jessey*

PAM & MIA: Ayyyyyieeeee! Tama na yan!

PAM: Oo nga need pa namin mag-aral pls.

JESSEY: *namumula* Adik niyo mga Ate... ikaw talaga BF! Lasing ka na talaga. Hinay-hinay na sa pag-inom.

MIKA: Sus! Kinikilig ka naman. Sige na po, i’ll behave na po... Ihatid ko na kayo hanggang labas.

JESSEY: Okay... Oo nga pala tawagan mo ako or i-text mo ako kapag pauwi ka na ah.

Pagkahatid ni Mika sa Tatlong Tigresses ay muli na siyang bumalik sa loob. Agad siyang nilapitan ni Cams at may inabot na shot glass.

MIKA: Ayaw ko na Cams... magagalit si Jessey niyan eh.

CAMS: Huwag ka ng KJ diyan. Daya mo lumabas ka eh nagpa-shot si Ate Gretchen. Kaya ito yung iyo. Minsan lang naman to Miks eh.

MIKA: Oo na.. Akin na nga! *sabay inom ng shot*

ALL: Woooooooooh! Nice one Mika!!!

DZI: Oh ito pa. Inom pa tayo!!!

Nagpatuloy naman ang party inom dito at sayawan pa... Pati na rin siyempre kainan. Halatang lasing na ang karamihan lalong-lalo na si Mika dahil nga mababa ang tolerance niya sa alcohol.

Nung malapit na mag-midnight ay nagpaalam na sila Kim at Mela.

MIKA: Sabay na ako sa inyo Ate Kimmy.

KIM: Sa mga LS ka na sumabay. Ikaw naman eh, eepal ka pa sa amin ng my labs ko eh.

MIKA: Hmp! Fine!!!

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon