Chapter 67

635 22 6
                                    

Sa Villamor Air Base...

COACH RAMIL: *galit na galit* Ano bang pumasok sa mga kokote niyo at gumawa kayo ng eksena ha? At dito pa sa harap ng mga sundalo?!?! Paano na lang kung inakala nilang terorista kayo ha??

ARA: *pabulong* OA naman coach...

COACH RAMIL: May sinasabi ka ba Ara ha?

ARA: *nagulat* Ha? Wala po... wala po...

KIM: Coach, okay lang naman po kami eh. Wag na po kayong mag-alala.

COACH RAMIL: Oo okay kayo ngayon pero paano kung pinagbabaril nila kayo ha?!?! Di niyo ba inisip yun?

ARA: Coach, di naman nila yun siguro gagawin.

COACH RAMIL: Sige! Excuses pa Galang! Lumikha pa kayo ng perwisyo dito.

SUNDALO: Ah excuse me lang ho noh, Sir. Ummmm... Di naman po sila masyadong nakaabala eh. SOP lang talaga yung ginawa namin na pagdala sa kanila dito sa opisina. Nagpaliwanag na rin naman sila at naiintindihan na rin naman namin yung mga reasons nila eh. Kaibigan nila yun, talagang gagawin nila ang lahat para sa kanya. Ganun din naman kami. Kaya wag niyo na ho masyadong pagalitan.

COACH RAMIL: *medyo nabawasan ang galit* Sige ho Sir. Salamat ho sa pagaasikaso dito sa tatlong bugok na ‘to. Aalis na po kami.

Tumayo na nga ang tatlo at nagpasalamat na si Ara at Kim sa sundalong nagasikaso sa kanila. Habang si Mika naman ay tumingin lang at tumungo dito. Kaya naman hinawakan siya sa balikat ng sundalong iyon.

SUNDALO: Pasensiya na bata ah, hindi natin siya naabutan. Pero tandaan mo kung di man umayon ang panahon ngayon wag kang susuko kasi hangga’t gumagawa ka ng paraan magkakaroon at magkakaroon ka ng pag-asa na makuha kung ano man ang ninanais mo.

MIKA: *napangiti ng bahagya* Salamat po.

COACH RAMIL: Sige ho, salamat ho ulit at pasensya na sa abala.

Pagkalabas nila sa office...

COACH RAMIL: Oi kayong tatlo, deretso dorm ah!

KIM: Opo Coach...

COACH RAMIL: At bilang parusa sa mga kalokohan niyo, walang gala-gala ng isang buwan. Ibig sabihin, school at dorm lang kayo, pwede lang kayong kumain sa labas pero along La Salle at kung kain yun ng team pero kung mga other lakwatsa, bawal! At no phonecalls or texts or any social media beyond 9pm.

KIM: Huwaaaaaaaaaat?!?!?! Nooooooooo!

ARA: Hahaha! Lagot ka kay Mela niyan...

COACH RAMIL: Parusa niyo yan...

KIM: But why coach?!?!?! Huhuhuhuhuhu!

COACH RAMIL: At dahil mukhang hindi naman masyadong affected sa parusang ito si Ara at Mika... Kayong dalawa *turo kay Ara at Mika* Kayo ang laging mag-aayos ng mga gagamitin natin sa training tapos kayo rin ang magliligpit pagkatapos. At dapat niyong siguraduhin na malinis ang gym bago at pagkatapos ng training.

ARA: Waaaaaaat?!?! Coach naman eh... Dapat kasama si Ate Kimmy...

KIM: Hehehe! Behlat!

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon