Sa dorm ng Tigresses...
Kakauwi lang nila galing sa game against ADMU na kung saan nakuha ng ALE ang kanilang unang talo for the season.
Kasalukuyan silang nagdidinner ngayon.
MELA: Ummm... Jess, bakit sinamahan mo si Ella kanina palabas?
CHLOE: Oo nga babe...
JESSEY: Eh kasi naawa ako sa kanya eh...
PAM: Bakit?
JESSEY: Nakita ko kasi siyang sinaktan ni Mika. Grabe pala siya noh! Nananakit... Ang dami pa naman niyang fans.
MELA: Eh alam mo ba kung bakit siya sinaktan ni Mika?
JESSEY: Hindi...
ALEX: Eh baka naman kasalalan ni Ella kaya nagawa yun ni Mika..
JESSEY: Kahit na... Not enough reason yun to hurt someone. Never naman naging sagot ang pananakit sa kapwa sa mga problema.
DANCEL: Pero baka may matinding kasalanan si Ella kaya nagawa niya yun.
JESSEY: Bakit ba parang kinakampihan niyo pa yung maling pinaggagawa ni Mika???
MELA: Oo nga naman! Tama si Stick! Mali yung ginawa ni Mika, period!
RIA: *pabulong* Sus! EH halos gustuhin na ngang lumpuhin ni Ate Mela nun si Ella eh...
MELA: *mataray* May sinasabi ka Riri???
RIA: Ha??? Wala po... wala po...
MELA: Parang may binubulong ka eh...
RIA: Wala po ah...
MELA: Fine!
JESSEY: Pero alam niyo parang may something kay Mika eh. I don't know. I just have this weird feeling towards her.
CHLOE: Ha?
PAM: Ano?
JESSEY: Basta, hindi ko ma-explain. Maybe I don't really like her even before, 'no?
MELA: Oo... oo...
JESSEY: Di na rin naman ako magtataka... Dun lang sa nakita kong ugali niya kanina eh. For sure di ko gugustuhin yung ganong tao.
DANCEL: Well... Ummm...
MELA: Alam mo Stick, wag mo na lang siya isipin. Hindi worth it ng oras mo...
JESSEY: Hay... Tama ka Mela. Dapat masaya lang tayo kasi natalo natin ADMU. Di ko na talaga iisipin yang Mika na yan. No wonder kahit si Ate Kim walang nasasabi about her. Buti pinapaglaro siya kahit ganyan ang ugali niya.
MELA: Oo nga eh...
JESSEY: Oh sige na, mauna na ako sa room ah. Tapusin ko pa plates ko eh.
GT: 'Kay!
Umalis na nga si Jessey at pumunta na ng room niya.
CHLOE: *napabuntong hininga* Haaaaaay... Grabe yun! Di ko alam ang sasabihin ko.
ALEX: True!
PAM: Aatakihin ako sa puso eh.
MELA: Basta wala kayong ikwekwento kay Jessey about Mika ah. Nangako tayo sa parents niya.
DANCEL: Don't worry susunod naman kami eh. Kaso ang hirap lang talaga.
MELA: Onting sakripisyo lang naman yan para kay Stick eh.
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...