Chapter 29

3.2K 30 7
                                    

Nakadating na sa isang resto-bar sila Jessey, Mika, Mela, Kim at Ara. Pagpasok nila sa loob ay nagustuhan nila ang ambience at natuwa din sila dahil open mic daw ngayon. Kahit sino pwedeng kumanta. Nagulat din si Mika dahil ang ibang mga Tigresses at Lady Spikers ay andun din.

 

MIKA: Oh, anong ginagawa niyo dito kala ko umuwi na kayo?

ABY: Ayaw mo ata kami dito eh, uwi na lang kami.

MIKA: Ang drama lang ate Aby... Hahaha!

JESSEY: Nakasalubong ko kasi sila eh nung papunta ako sa dug-out niyo kaya ininvite ko na rin sila, sayang nga eh di lahat ng LS at Tigresses eh pwede.

MIKA: Ikaw talaga BF, kung anu-ano mga pinaplano mo ah.

JESSEY: Biglaan lang naman yun. Wala talaga sa plano.

MELA: Tama na daldalan, kain na tayo pwede?

PAM: Hahaha! Kahit kailan ka talaga Mela... Hahaha!

MIKA: Sinabi mo pa Ate Pam... basag trip yang si Mela eh, pareho sila ni Daks.

JESSEY: Hahaha! Hayaan niyo na tara na at kumain na tayo.

Naupo na nga sila Jessey at nagsimula na silang mamili ng ioorder nilang food ng biglang may pumasok.

MIA: Ui, si Marge oh! Hi Marge!!! *bati nito*

MARGE: *medyo kinakabahan* Hi po!!! Hi sa inyo.

MIKA: *medyo inis* Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba kami???

MARGE: Ako??? Hindi... ummm... yung parents ko kasi eh may share dito. Tignan ko sana kung andito sila.

JESSEY: Ah ito ba yung kinwento mo sa akin nun na bagong business na pinasok ng parents mo.

MARGE: Ah oo! Hehehe...

Biglang may lumapit na waiter.

WAITER: Ms. Marge, wala po yung parents niyo dito. Kakaalis lang po nila.

MARGE: Ay ganun ba. Sige, salamat kuya.

JESSEY: Wala ka bang kasama?

MARGE: Ummm... wala eh, pero balak ko sanang i-invite yung iba kong teammates dito kasi di pa rin sila nakakapunta dito kaso baka umuwi na yung mga yun eh.

JESSEY: I-text mo na sila! Sama na kayo sa amin para mas masaya tutal naman magkakaibigan tayo eh. *tumingin sa mga kasama niya* Ok lang naman sa inyo diba?

ALL EXCEPT MIKA: Oo naman!

MIKA: *pabulong* Pwede naman kasing hiwalay na lang eh.

JESSEY: *umakbay kay Mika* May sinasabi ka ba, BF ko? *with matching pa-cute*

MIKA: Ah wala-wala... sige mas marami, mas masaya... yehey!

MARGE: Ah sige-sige... wait lang tawagan ko sila.

Lumayo muna si Marge para tawagan ang mga teammates niya.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon