Chapter 50

602 16 0
                                    

Ngayon ang Game 3 ng Finals. Medyo matamlay si Mika dahil nga hindi sila masyadong nakakapag-usap ni Jessey at hindi pa rin niya naitatanong dito kung totoo bang magkasama sila ni Marge noong game 2. Madami na rin siyang nababasa sa twitter na nakikita raw nila si Marge na bumibisita kay Jessey sa may UST. Hindi naman ito maitanong ni Mika dahil gusto niyang si Jessey mismo ang magsabi sa kanya.

ARA: Daks, Okay ka lang ba?

MIKA: Yeah... kinakabahan lang siguro...

ARA: Weh?

MIKA: Oo nga kasi!

ARA: Oh, cool lang...

MIKA: Sorry...

ARA: Jessey nanaman ba?

MIKA: Hay... Sobrang gulo na ng utak ko eh. Di ko na alam...

ARA: Hay... medyo nakakatampo na yang si Jessey ah.

KIM: Hey, wag naman ganyan... Di naman natin pa alam ang real story eh.

ARA: Hay naku! Paano natin malalaman eh hindi naman nakikipag-usap si Jessey kay Daks.

KIM: Busy lang kasi yung tao. Kaya wala pang sapat na oras.

ARA: Eh busy rin naman si Daks eh, pero nag-eeffort siya na magka-oras para kay Jessey.

KIM: Eh andami niya kayang plates na ginagawa. Iba naman yung course natin sa kanya, yung kanya time consuming talaga.

ARA: Hay naku! Bakit mo ba pinagtatanggol si Jessey, di mo ba nakikita yung nangyayari kay Miks...

KIM: Alam ko, nakikita ko... Pero unfair din naman sa part ni Jessey eh.

ARA: Pshhhh...

MIKA: Hey, tama na yan. Daks, tama si Ate Kimmy, baka busy lang talaga saka baka gusto niya na mag-focus ako sa paglalaro.

ARA: Eh hindi ka nga maka-focus eh.

MIKA: Kasalanan ko rin naman.

ARA: Martyr pa?

KIM: Nako! Tama na yan... Wala munang usapang lovelife... Focus lang sa game... Dapat last game na natin toh...

ARA: Fine! Basta ako, medyo nagtatampo na ako kay Stick...

Nagsimula na nga ang game. Naging matindi ang labanan dahil nga ayaw sumuko ng ng magkabilang team. Ngunit dahil na rin hindi ganun ka-ganda ang mood ni Mika ay natalo sila. Sobrang nalungkot naman ang mga Lady Spikers dahil muntik na sana silang manalo ngunit nabigo sila.

Sa Dorm ng LS

 

KIM: Hay... sayang talaga yun.

ARA: Sobra!

MIKA: *napayuko* Im sorry... Kasalanan ko talaga eh.

KIM: Hey, Team Sport ang volleyball, Ye... Wag mong sisihin ang sarili mo.

MIKA: I know Ate... pero dahil sa aking pangit na paglalaro eh naging liability pa ako sa team.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon