Pagmulat ni Jessey ng kanyang mata ay nagtataka siya kung bakit parang may nakasiksik sa kanya saka niya naalala ang mga nangyari kagabi kaya bigla na lang siyang napangiti.
Umikot siya para makaharap niya si Mika at saka niyakap ito ng mahigpit.
MIKA: *nakapikit pa rin* Naiipit ako BF at natutusok sa mga bones mo.
JESSEY: *hinampas si Mika sa braso* Fine! Kung ayaw mo, hindi na kita yayakapin... *sabay talikod kay Mika*
MIKA: Ikaw naman eh... Joke lang... *sabay backhug kay Jessey*
JESSEY: *napangiti at muli ng humarap kay Mika* Good morning!
MIKA: Di lang good ang morning ko... Best pa! Pagmulat ba naman eh ikaw ang makita eh.
JESSEY: Yan! Nagsimula ka nanaman sa mga pambobola mo.
MIKA: Di naman yun bola eh. Totoo yun... Saka kinilig ka naman kaya okay lang. Hahaha!
JESSEY: *yumakap ng mahigpit* Nakaka-miss yung ganito noh...
MIKA: Sinabi mo pa... bakit kasi may game pa eh.
JESSEY: *biglang naalala ang game nila* Shoot! Oo nga pala! *biglang bumangon*
MIKA: Bakit ka nagmamadali?
JESSEY: 9am ang call time namin sa QPav. 7:00 na kaya... maliligo pa tayo, kakain pa...
MIKA: *sabay naughty smile* Maliligo tayo?
JESSEY: *nagtataka* Oo... bakit? *biglang naisip na niya kung anong tumatakbo sa utak ni Mika* Ay loko ka talaga BF! Ang dumi ng utak mo.
MIKA: Hahaha!!! Wala naman akong sinabi ah. Hahaha!
JESSEY: Ewan ko sa’yo! Maligo ka na nga dito, dun na lang ako sa room nila mommy maliligo. May mga damit ka naman diyan sa cabinet ko eh. Kumuha ka na lang. Bilisan mo ah. Kakain pa tayo, alam mo naman na...
MIKA: na matagal kang kumain. Oo, alam ko na po yun. Matagal na po. Hahaha!
JESSEY: Hmp! Bahala ka na nga diyan.
MIKA: Hahahaha! ANg cute talaga ng girlfriend ko.
JESSEY: Ikr! Bagay na bagay sa’yo! Hahaha! Ligo na!
Naligo na nga sila at nagbihis at kumain ng breakfast. As usual, ang tagal ni Jessey kumain, parang kada subo eh may bagong kwento.
MIKA: BF! Tapos na ako oh, ikaw ang tagal tagal mong kumain eh ikaw yung nagmamadali diyan.
JESSEY: Sandali na lang!
Biglang nag-ring ang phone ni Jessey. Kaya tinignan ito ni Mika.
MIKA: *medyo nainis si Mika ng makita niya kung sino ang tumatawag* Grrrrr....
JESSEY: BF, sino yung natawag?
MIKA: Hindi importante, hayaan mo na. Kumain ka na diyan.
JESSEY: Hala, sino nga kasi, may inaantay akong tawag.
MIKA: For sure hindi yan yung inaantay mong tawag.
JESSEY: Eh sino ba kasi?
MIKA: Si Marge! *inis nitong sabi*
JESSEY: Adik mo BF! Yan yung inaantay kong tawag eh. Luh ka... ayan wala na...
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...