Chapter 45

1.5K 32 6
                                    

Dahil nga Final four na at hindi naman nakapasok ang UST, nag-focus na ang Tigresses sa kanilang studies samantalang dahil unbeaten naman ang DLSU sa eliminations, naging Step-ladder format ang Final Four kaya nag-iintay na lamang sila ng makakalaban sa Finals.

Kasalukuyang busy si Jessey sa paggawa ng kanyang mga plates. Medyo late na rin at nasa kitchen siya ngayon gumagawa dahil mas malaking lamesa na ang kanyang kailangan sa kanyang mga ginagawa.

Habang seryoso siyang gumagawa ay biglang dumating si Mela na halatang hindi masaya sa pagkakagising sa kanyang tulog.

MELA: *naiinis* Oi stick! Ang ingay ng phone mo. Bakit mo kasi iniwan sa room...

JESSEY: Ay sorry! Di ko sinasadya. Kaya pala nagtataka ako kung bakit wala man lang akong natatanggap na text eh, yun pala nasa room.

MELA: Sige na, okay lang. Kanina pa may tumatawag di ko na napansin kung sino. Antayin mo baka tumawag ulit...

*biglang nag-ring ang phone ni Jessey*

MELA: Sakto! Sige na sagutin mo na kung sino man yan at ako’y matutulog na. Ikaw rin ah. Mag-sleep ka na.

JESSEY: Okay po. Sorry ulit ah and thank you...

MELA: No problem...

Pag-alis ni Mela ay agad naman na niyang sinagot ang kanyang phone dahil si Mika pala ang tumatawag.

JESSEY: Hello? BF...

MIKA: Hay sa wakas at sinagot mo din! Nag-aalala ako sa’yo... Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo di ka sumasagot sa mga tawag at texts ko.

JESSEY: I’m sorry love... Naiwan ko kasi sa room yung phone ko.

MIKA: *kinilig* Anong sabi mo?

JESSEY: Sabi ko sorry...

MIKA: Hindi yun, yung tinawag mo sa akin...

JESSEY: Ah yung love... kilig ka naman...

MIKA: Hehehe! Medyo... Hehehe...

JESSEY: Sus! Why did you call pala? Late na ah.

MIKA: Eh kasi kanina nag-tetext ako sa’yo tapos hindi ka nasagot. Tapos nung tumawag ako ndi ka rin sumasagot. Kinabahan tuloy ako. Muntik na nga akong sumugod sa dorm niyo eh.

JESSEY: Awwww... I’m sorry kung pinag-alala kita. Andito kasi ako sa dining table gumagawa nung mga plates ko kasi kailangan ko ng mas malaking lamesa eh. Eh naiwan ko pala yung phone ko sa room. Nagising nga si Mela kasi nga non-stop yung pagtawag mo. Sorry talaga Love ah...

MIKA: Okay na... Tinawag mo akong Love eh...

JESSEY: Grabe! Eh bakit mo din ba ako tinext?

MIKA: Ayain sana kita eh. Labas naman tayo.

JESSEY: Kailan ba?

MIKA: Sa Saturday sana...

JESSEY: Awwww... di ako pwede eh.

MIKA: Ganun ba.

JESSEY: Yep!

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon