Chapter 31

3K 32 9
                                    

Sabado ngayon, kakatapos lang ng training ng Golden Tigresses at nakabalik na sila ng dorm. Nasa kwarto ngayon sila Mela, Ria at Jessey. Si Jessey ay gumagawa na agad ng mga plates niya habang si Mela naman ay nag-che-check ng e-mail (hanggang e-mail lang siya ngayon dahil naka-social media ban sila) at si Ria naman ay nakahiga lang sa kama ni Jessey.

RIA: Ate Jess, di ka ba napagod sa training?

JESSEY: Napagod...

RIA: Eh bakit hindi ka na lang muna magpahinga. Kakabalik lang natin galing training tapos plates agad.

JESSEY: Riri, di pwede, kasi bukas may game tayo so most likely baka di ako makagawa pag-uwi. Alam mo naman, FEU kalaban natin bukas matindi ang labanan ng middle niyan so most likely nakakapagod yan tom.

RIA: Yun na nga po eh, dapat mag-rest ka na para may lakas tayo bukas.

JESSEY: Kapag nagpahinga ako at hindi sinumulan ang mga plates na ito malamang hindi ko ito matatapos on time, kapag di ko ‘to naipasa on time bababa ang grades ko, kapag bumaba ang grades ko mawawala ako sa DL, kapag nawala ako sa DL malulungkot ako at madidisappoint ko ang parents ko, kapag nalungkot ako lalong bababa ang grades ko at babagsak ako, kapag bumagsak ako di na ako makakapag-laro.

MELA: *still checking her e-mail* Ang dami mong sinabi Stick... Alam mo Ria, hayaan mo na yang si Jessey, di ka pa ba sanay diyan. Alam mo namang GC yan eh.

JESSEY: Hay naku Mela, im just concern about my studies noh, coz if i fail di rin ako makakalaro.

MELA: Fine! Fine... nakausap mo na si Tangkad? Nanalo daw sila eh...

RIA: Ate Mela naman, UP kalaban nila sa tingin mo matatalo pa sila?

JESSEY: Bilog ang bola Riri, di mo masasabi... *tumingin kay Mela dahil bigla itong tumahimik* Ui, Mela bakit ka tumahimik diyan at bakit salubong nanaman yang kilay mo?

MELA: *napatingin kay Jessey* Ummmm... Jess, halika sandali dito... Tignan mo itong ini-mail sa akin...

JESSEY: *nagtataka* Huh? Bakit ako...

MELA: *naiinis* Basta lumapit ka na lang dito?

JESSEY: Ok... ok... cool lang!

Tumayo na si Jessey para lumapit kay Mela at si Ria din ay bumangon upang silipin kung ano ba yun. Nagulat si Jessey sa kanyang nakita, picture ito ni Mika at Aly, habang todo smile sila ay naka-akbay pa si Mika kay Aly.

JESSEY: *malungkot* Kailan yan?

MELA: Kanina lang yan eh.

RIA: Paano mo naman po nalaman?

MELA: Naghanap ako ng itsura nila sa game kanina and saktong-sakto yung suot pati ayos ng buhok... everything...

RIA: Loko tong si Ate Mika ah! Uupakan ko yan eh.

MELA: Hay naku! Sasama ako diyan... Pati yang si Kimmyloves uupakan ko, bakit niya hinayaan toh... Oh may isa pang sinend sa akin...

Pagbukas nila ng email ay nagulat sila sa kanilang nakitang picture. Halatang stolen yung shot, kasi hindi naman sila nakatingin sa camera at naka-zoom ang kuha, parang masayang nagkwe-kwentuhan sila Mika, Aly, Mae, Ella, Aby at Carol. Ang nakakagulat sa picture ay nakahawak ang kamay ni Aly kay Mika at si Mika naman ay tumatawa. Nakatingin lang si Jessey sa picture at halatang nagpipigil ng luha.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon