Sa dorm ng Lady Spikers...
CAMS: Ate Kimmy, wala pa rin si Miks.
CIENNE: Baka kung ano ng nangyari dun.
CAROL: Wag nga kayong ganyan.
KIM: Mga sira talaga kayo. Wag kasing nega.
CAMS: Baka masyado niyang dinamdam yung sinabi ni Mela.
CIENNE: Tapos di niya nakayanan na.
CAMS: Masyado na siyang na-depress...
CIENNE: Hindi na niya nakayanan...
CAMS: Tapos naalala pa niya si Jess..
CIENNE: Kaya mas lalo siyang nalungkot.
CAMS: Tapos naramdaman niya na yung guilt...
CIENNE: Pakiramdam niya wala na siyang silbi...
CAMS: Pakiramdam niya wala na siyang halaga...
CIENNE: Kaya... kaya... kaya...
Biglang bumukas ang pinto...
ARA: Daks!
KIM: Ye!
KAMBAL & CAROL: Miks!!!
MIKA: *nagulat* Jusko! Ginulat niyo ko ah... Bakit andito pa kayo? Bakit di pa kayo nagpapahinga.
KIM: Inaantay ka namin eh.
ARA: Bigla ka na lang umalis kanina sa SJA tapos paglabas namin wala ka na...
CAROL: Eh hindi ka rin naman nag-text kung asan ka...
MIKA: Ay sorry! Lowbatt na kasi ako eh...
CIENNE: Ay grabe ang eksena nung paglabas namin ng mga Tigresses sa dugout.
KIM: Grabe Cienne, chismis agad...
CIENNE: Eh para malaman na ni Miks.
MIKA: Eh ano nga bang nangyari?
ARA: Paglabas namin sakto nakasalubong namin yung mga ALE... At nag-sorry sila kay Mela...
MIKA: Bakit?
KIM: Eh diba medyo sinungitan nila si Melabs after nung game dahil sa facial na ginawa niya kay Ella.
MIKA: Anong nabago?
KIM: Inamin na ni Aly sa teammates niya na si Ella ang may pakana ng lahat at na-realize nila na kaya lang naging ganin si Melabs kay Ella eh dahil nga dun sa grabeng ginawa ni Ella. Pati yung mga Tigresses nagulat na si Ella pala yung may pakana.
CAROL: Muntik pa kamong sugurin nung ibang mga tigresa si Ella buti na lang di na umiral ang pagiging fighter ni Mela at siya na mismo nagsuway sa mga teammates niya.
MIKA: Wow! Grabe ah... Mukhang sirang-sira na talaga si Ella ah.
KIM: Yep! Eh wait lang, ikaw ba, san ka galing?
BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
Hayran KurguIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...