Sa dorm ng Lady Spikers...
Inabot na ng umaga sila Ara at Kim pero hindi pa rin nila maisip maliban kay Mae ang pwedeng nanggugulo kina Mika at Jessey. Nagising na rin si Mika at nagulat nga siya ng makita niyang nasa sala pa rin sila Ara at Kim.
MIKA: *yawn* Hindi pa rin kayo natutulog...
KIM: Ah eh... inaalam kasi namin kung sino bang pwedeng gumawa nito sa inyo ni Jess eh...
MIKA: *napabuntong hininga* Hay, diba sabi ko naman Ate Kimmy na wag niyo na munang problemahin yan. Ang focus ko lang muna ngayon eh yung magising na si Jessey. Mas mahalaga yun.
ARA: Alam naman namin yun eh. Pero gusto ka rin naman kasi naming tulungan Miks para magkaalamanan na rin. Masyadong malaki yung gulong ginawa niya eh. Saka para rin naman kay Jessey eh.
MIKA: Hay... salamat... *umupo sa tabi ni Ara* Ano bang ginagawa niyo ngayon?
ARA: Naghahanap ng clues sa mga social media... sa email... kahit san...
KIM: Pati yung mga pictures tinitignan namin baka may mabigay sa amin na clue eh...
MIKA: May hula na ba kayo?
KIM: Alam mo may something talaga dito sa picture na sinabi mo sa akin na pinaka-hindi mo makakalimutan eh... Parang may dapat akong maalala or somethin eh...
ARA: What do you mean?
KIM: *nakatitig lang sa picture*
MIKA: Snob din tong si Ate Kimmy eh...
ARA: Nagcoconcentrate masyado...
MIKA: Eh Daks, may suspect na ba kayo...
ARA: Yep...
MIKA: Sino?
ARA: Agila... si Mae...
MIKA: Si Mae?
ARA: Oo... si Mae...
MIKA: Bakit si Mae?
Pinaliwanag naman ni Ara ang mga evidence nila kung bakit nasabi nilang si Mae ang gumawa nun... Habang seryosong nag-uusap sila Ara at Mika ay biglang napasigaw si Kim na ikinagulat ng dalawa.
KIM: ALAM KO NAAAAAAAAAAAAAAAA!!!
MIKA: *nagulat* Luh! Nakakagulat ka naman Ate eh...
ARA: Anong alam mo na?
KIM: Alam ko na kung bakit parang kanina ko pa naiisip na may something sa picture na ‘to... Yung picture na sinabi mo Ye na pinaka hindi mo makakalimutan...
ARA: Huh?
KIM: Alam ko na kung sinong kumuha ng picture na ito nila Marge at Jessey! At malamang sa malamang eh siya rin yung kumuha nung iba pang pics. Ito na yung evidence na hinahanap natin Ara. Ito na ang magbibigay sa atin ng kasagutan kung bakit niya ginagawa ito. Kung bakit niya kayo ginugulo, Ye. Kaya tara na! Mag-ayos na tayo ng sarili natin. Matinding paghaharap ang magaganap. *naiinis* Siya ang dahilan kung bakit napahamak si Jessey, kung bakit ka ngayon nahihirapan Ye. Kaya hindi pwedeng matapos ang araw na ‘to na hindi natin nakukuha ang mga kasagutan na kinakailangan natin. Marami siyang nasaktan...

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
FanfictionIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...