Sa dorm ng Lady Spikers...
Nasa kwarto si Kim at Mika. Kakarating lang nila galing sa San Juan Arena.
KIM: Oi Miks, ano yung nangyari dun?
MIKA: Saan?
KIM: Huwag mo na nga akong gawing tanga, alam mo naman yung tinutukoy ko eh.
MIKA: Diba nakita mo naman na si Jessey yung badtrip sa akin, so siya yung problema.
KIM: Eh pati rin naman ikaw eh, saka ano yung tungkol kay Aly? Bakit parang nagagalit siya.
MIKA: Malay ko. Eh nag-uusap lang naman kami ni Aly nung buong game nila eh.
KIM: Kaya naman pala eh!
MIKA: *nagtataka* Huh?
KIM: Adik ka ba? Malamang magtatampo yun sa’yo! Game nila tapos makikita niya na hindi ka naman nanonood. Ikaw kaya sa pwesto niya. Biro mo buong game kausap mo lang si Aly, eh magseselos yun talaga. Kaya pala ganun na lang makapag-block eh. Kaya tuloy nung medyo dulo puro na siya error eh, paano nagagalit na pala. Obviously, di mo yun napansin kasi nga kausap mo yung best friend ko. Hay naku Mika!!! Ikaw talaga!
MIKA: *medyo napaisip* Eh kasi naman siya eh, nakakatampo rin naman yun ginawa niya?
KIM: *nagtataka* Huh? Eh ano bang ginawa niya sa’yo?
MIKA: Kasi diba bago mag-start yung game nila pinuntahan ko sila tapos pabalik na ako dapat sa’yo tapos naisip kong balikan si Jessey para i-hug ulit. Kaso nakasalubong ko na yung mga tiga-Ateneo tapos biglang nakita ko si Jessey kayakap si Marge Tejada. Tapos ang sweet-sweet pa ng tingin niya kay Jessey at hindi lang yun kiniss pa niya sa cheeks si Jessey ah. Tapos ito namang si Jessey wala lang, okay lang sa kanya. Pero kapag sa akin, naku hirap na hirap akong i-kiss yan sa cheeks. *naiinis na*
KIM: So niyakap ni Marge si Jessey? Eh niyakap ba ni Jessey si Marge?
MIKA: *napaisip* Ummmm... Di ko alam?
KIM: Ahhhh... Yung mga tingin ni Jessey kay Marge, mukha bang kinikilig?
MIKA: Ummmmm... Di ko napansin eh.
KIM: Eh kiniss ba ni Jessey si Marge?
MIKA: Malay ko, kasi umalis na rin ako agad eh...
KIM: Aysus Reyes! Ano ba naman yan...
MIKA: Bakit???
KIM: Eh lahat naman nung nakita mo eh si Marge ang nag-initiate. Hindi naman si Jessey eh. So dapat hindi ka magselos. Wala ka bang tiwala kay Jessey?
MIKA: *natahimik*
KIM: See... hay! Pag-isipan mong mabuti ang mga nangyari ngayong hapon. Labas muna ako ah, papahangin lang.
MIKA: Okay... Hay...
Lumabasa na nga muna si Kim sa kanilang dorm. Habang si Mika naman ay nakahiga lang sa kanyang kama at nag-iisip.
MIKA’s POV:
May point naman si Ate Kim eh... pero bakit hindi man lang pinigilan ni BF si Marge? Ibig sabihin ba nun gusto rin nga niya??? Eh diba sabi naman ni BF ako lang ang gusto niya. Na yung nararamdaman niya ngayon eh sa akin niya lang daw nadama yung ganung saya. Paano kung ganun na nga rin yung nararamdaman ni BF kay Marge? Pero imposible yun... Waaaaaaaaaaaaah! Naguguluhan ako, hay, aantayin ko na nga lang si BF mag-text... Tutal siya din naman eh may galit sa akin... hmp! Itanong ko kaya kay Aly yung tungkol kay Marge. Oo, tama... Text ko nga...

BINABASA MO ANG
IS THIS LOVE?
Fiksi PenggemarIsa po itong Jessey de Leon-Mika Reyes fanfic... Ganun katindi ang love ko sa kanila at nakasulat ako, mahilig lang kasi ako talaga magbasa pero grabe eh, nainspire ako sa dalawang ito kaya nakasulat ako... hehehe... :) Huwag niyo pong seseryosohin...