Chapter 13

3.7K 25 6
                                    

Friday... Paskuhan sa UST...

Maaga ang training ng Tigresses ngayon para naman maaga din silang matapos at ma-enjoy ang Paskuhan. Pagkatapos ng kanilang training ay bumalik muna sila sa dorm para makapag-prepare.

PAM: Ui, balik na kaming UST... Lapit na mag-start yung concert eh... Kayo ba?

MELA: Nagtext si Kimmy, pupunta daw po sila eh, sunod na lang kami if ever. Alam naman namin kung saan kayo pwe-pwesto eh...

PAM: Okay sige... bye!!! *at umalis na nga ang ibang tigresses at naiwan na lang eh si Mela at Jessey*

MELA: Stick, oks na ba kayo ni Ria?

JESSEY: Hmmm... we’re good naman, nag-uusap kami pero no clingy moments pa rin muna.

MELA: Tama naman yan, hayaan mo na muna siya, nasaktan din yun.

JESSEY: Yeah, nagui-guilty nga ako eh. Kaya kung anong gusto niya pinagbibigyan ko kasi alam ko na-hurt ko talaga siya.

MELA: Huwag kang ma-guilty... nagmahal ka lang. It’s not wrong. Bigyan mo pa ng ilang araw yan babalik din yang clingyness niya. Sa’yo nga lang clingy yun eh. Kaya for sure di ka rin nun matitiis.

JESSEY: Sana...

Biglang may kumatok sa pintuan...

MELA: Andiyan na ata sila Kimmy, teka buksan ko pinto.

JESSEY: Aba, porket si Ate Kimmy ang darating talagang ikaw pa magbubukas ng pinto samantalang kapag ibang tao yan, mag-uutos ka pa ng ibang tao para magbukas kahit katabi mo na.

MELA: Che! *At tumayo na nga siya para buksan ang pintuan* KIMMMMMMY KOOOO!!!!! *sabay hug*

KIM: *kinikilig* Wow! Na-miss ako ng prinsesa ko! Kakakita lang natin nung Wednesday ah...

MELA: *nainis at umalis sa pagyakap* Oh edi, wag na!

KIM: Ikaw naman... joke lang! Halika nga at namiss kita...

JESSEY: Hi BF! *super smile*

MIKA: Hello! *sabay ngiti* Ito nga pala oh birthday gift ko sa’yo. Naiwan ko kasi ‘to sa dorm nung birthday mo. *sabay abot ng gift*

JESSEY: *masayang-masaya* Ikaw naman BF nag-abala ka pa... salamat!

Binuksan niya ito at nakita niya ang isang necklace. Hindi lang ito basta simpleng necklace. Nabubuksan ito at sa loob ay may nakasulat na “I, Mika, loves Jessey Forever!”

MIKA: Ummmm... ito yung symbol ng pangako ko sa’yo na mamahalin kita forever, kahit anong mangyari. Hindi kita sasaktan, hindi kita pababayaan...

JESSEY: *naiiyak* Thanks BF... *sabay yakap*

MELA: *kunyari naiirita* Oh tama na yan... ewwwwwwness na yan eh... tama na...

MIKA: *nag-belat kay Mela* Inggit ka lang!

KIM: Oo nga tama na yan! Punta tayo sa Dapits, namimiss kong kumain dun eh...

MELA: Hay syempre! Gutom ka nanaman... Dami mo na atang alaga diyan sa tiyan mo Kimmy ko...

KIM: Grabe ka naman My labs... Di naman! Sige na namimiss ko lang talaga foods sa Dapits.

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon