Chapter 60

548 17 8
                                    

Sa labas ng hospital room ni Jessey...

 

MIKA: Ate, bakit po tayo lumabas?

ATE JERMAINE: Mika... I need to know...

MIKA: Ang alin po...

ATE JERMAINE: Mika, hindi pumupunta si Jessey ng Bataan mag-isa kung wala siyang matinding problema... At alam ko na may date kayo today na sobrang pinaghandaan niya...

MIKA: *napayuko at umiyak* Im so sorry, Ate...

ATE JERMAINE: *Humarap kay Mika at tila naiiyak na rin* Miks... *niyakap ito...* Please tell me...

MIKA: Ate, kasalanan ko po... Ako po ang dahilan kung bakit naaksidente si Jessey...

ATE JERMAINE: Halika at maupo tayo dun sa may waiting area...

Naupo na nga sila Mika at Ate Jermaine upang mas makapag-usap...

ATE JERMAINE: Now tell me Mika... Anong ginawa mo?

MIKA: *naiiyak at kinakabahan* I’m really sorry Ate Maine... Lately kasi parang ang cold-cold ni Jessey sa akin kaya medyo nagtataka na ako tapos ilang beses ko pang napapansin na parang may tinatago siya sa akin. Tapos kagabi kasi may nagbigay sa akin ng mga pictures ni Jessey with Marge. Parang di ko na nakayanan... Pakiramdam ko ayaw na sa akin ni Jessey... *naiiyak lalo* So sa galit ko sobrang nagpakalasing ako dahil akala ko nga di na ako mahal ni Jess tapos yun pala lahat ng ginagawa ni Jessey eh para sa akin pala.. Ang tanga ko Ate...

ATE JERMAINE: Tapos...

MIKA: *napabuntong hininga* Tapos nag-aya ako sa mga LS at LE na magpatuloy ng party sa bahay wala kasing tao dun tapos andami na ring taong dumadating dun sa party. May ilan na sumama... Pagdating sa bahay mas lalo pa akong uminom para makalimot. That time, pati si Aly namromroblema... Pakiramdam ko kaming dalawa yung nagkakaintindihan kasi parehong masakit ang puso namin... Tapos... *naiiyak pa lalo* Tapos ... Tapos... Pagdating ni Jessey nung umaga para sana sunduin ako nakita niya ako sa kwarto... Pero hindi ko talaga naman alam kung anong nangyari o kung mangyari ba eh...

ATE JERMAINE: *naiiyak at medyo nagagalit* Mika... anong nakita niya sa kwarto mo...

MIKA: Ate, sorry...

ATE JERMAINE: *mas lalong nagagalit* MIKA! Anong nakita ni Jessey?!?!

MIKA: *naiiyak ng mas malala* Nakita niya ako kasama ko si Aly sa kama, halos wala na kaming suot... Pero---

Hindi na natapos ni Mika ang kanyang sinasabi dahil bigla siyang sinampal ni Ate Jermaine.

ATE JERMAINE: *galit na galit* Walang hiya ka Mika! Paano mo nagawa yun sa kapatid ko ah. High School pa lang kayo pamilya na ang turing namin sa’yo... Tapos ganyan ang gagawin mo sa kanya. Ikaw ang kauna-unahang minahal niya, sa’yo lang niya ipinagkatiwala ang puso niya tapos ganito ang gagawin mo sa kanya. How dare you!

MIKA: Ate... Im really sorry... Hindi ko talaga alam kung ano bang nangyari nagulat na lang din ako paggising ko magkatabi na kami ni Aly sa kama...

ATE JERMAINE: Hindi excuse yun... Noon ko pa alam na may nanggugulo sa relasyon niyo dahil naikwento na yun sa amin ni Jess... Pero alam mo ba ang lagi naming sinasabi sa kanya ha! Na magtiwala lang siya sa’yo, kasi kami naniniwala kami na mahal na mahal mo siya... Pero ito pa pala ang gagawin mo! Nagkamali kami sa’yo! Huwag na huwag ka ng lalapit sa kapatid ko!!!!

IS THIS LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon